Chapter 3 : Game #1

60 4 0
                                    

 "Subukan ninyo alamin ang lahat ng nangyari. Importanteng malaman ninyo ang date kung kailang ito naganap. Bibigyan ko kayo ng tatlong oras upang mag investigate," wika ni Abby na medyo seryoso na naging dahilan upang makinig ang lahat.

 "Pagdating ko dapat ay nandito na kayo sa room na ito dahil pag wala kayo, kayo ang unang mag papaalam!" tumatawang sambit ni Abby. 

 Dahil sa mga sinabi ni Abby, naging iba-iba na ang tumatakbo sa isip ng bawat estudyante. Ang iba ay kinakabahan at natatakot habang ang iba naman ay nag iisip na ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na ito.

 "I don't want to die yet. Natatakot ako" sabi ni Jastine sa kanyang sarili dahil alam niya na ano mang oras ay maari na siyang mamatay.

 Si JC naman ay umiisip ng mga positibong bagay upang matanggal ang takot na bumabagabag sa kanya. "Makakaalis ako rito. Magiging isa pa akong ganap na nurse balang araw." 

 "This is a Death Game! Sa larong ito kailangan maging tuso, dahil pag hindi ka naging tuso ikaw ang matatalo. Marami pa akong pangarap. Wala pa sa kalahati ang nagagawa ko, kaya gagawin ko ang lahat upang makaalis dito." napangiti si Lester ngunit hindi niya ito pinahalata sa lahat.

 "Bibigyan ko kayo ng notebook at pen bawat isa. Bawal ninyong kunin ang mga gamit kaya isusulat ninyo ang lahat ng information sa notebook na ibibigay ko. Bawal mandaya. Nasa room kayo ngayon ng grade 5," wika ni Abby. "Kumuwa na kayo ng notebook at ball pen dito sa table," pagpapatuloy nito. 

 Ang lahat ay kumuwa na ng notebook at ball pen sa table.

 "Kung ako sa inyo hahanap na ako ng ka team ko. Game #1. Begin!" Bigla na lamang na wala si Abby pagkatapos sabihin ang mga salitang ito.

 "Josh tayo nalang mag team," sabi ni Jerome kay Josh.

 "Oo nga tapos huwag nating isheshare sa kanila ang ano mang malalaman natin," sagot naman ni Josh.

 "Sige," sagot ni Jerome. Lumabas na ang dalawa sa classroom ng grade 6 upang mag imbestiga sa ibang lugar sa Light School.

 "Marienette may kasama ka na ba?" pagtatanong ni Zandrea kay Marienette.

 "Wala pa eh," matipid na sagot ni Marienette. Mapaghahalataan sa kanya na siya ay medyo nahihiya pa.

 "Sumama ka na sa amin ni Geelah," pag-aalok ni Zandrea kay Marienette. Kasabay nito ay ang pag lahad ni Zandrea ng kanyang kamay.

 Agad naman itong inabot ni Marienette at sila ay nag shake hands. "Sige," sagot ni Marienette at sila ay umalis na ng classroom.

 Nilapitan ni Miguel si JC, "JC tayo na lang kaya mag team?" tanong ni Miguel kay JC na kanina pa pinaglalaruan ang ball pen na de pindot.

 "Sige!" Sagot ni JC. "Kailangan kong makakalap ng maraming impormasyon upang makaalis dito ng buhay"  sabi ni JC sa sarili. 

 "Tatandaan mo magkasama lang tayo pero hindi ibigsabihin noon ay pinagkakatiwalaan na kita," pagbabanta ni Miguel kay JC.

 "Oo alam ko yun. Pareho lang naman tayo," sagot ni JC.

 "Tara na," wika ni Miguel at sila ay lumabas na mula sa classroom ng grade 6.

 "Tara na!" utos ni Andrei kay nila Lester at Kerwin. Lumabas na rin sila ng room.

 "Tayo-tayo na lang ang magsamasama," wika ni Marlon.

 "Mas marami mas maraming information ang malalaman," sabi ni Jastine.

 "Oo nga," singit naman ni Jr.

Death GameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt