Taong Mahal Mo o Taong Mahal Ka

146 20 6
                                    

Lagi nating naririnig ang tanong na 'yan sa mga question and answer portion sa mga beauty pageant sa barangay man o sa telebisyon. Minsan, itinatanong din iyan sa atin ng mga kaibigan nating walang magawa, nang-aasar lang. At madalas kong naririnig na sagot nila ay mas pipiliin nila iyong taong mahal nila.

Sadista rin, eh.

Hindi bale nang hindi sila mahal, basta mahal nila.

Tama ba iyon?

Hindi ba nila nakikita ang sarili nila bilang mga taong deserving din sa pagmamahal? Hindi ba nila naiisip na masarap din iyong sila naman ang mamahalin?

Siguro sasabihin nila, kasi nga kailangang pumili. Isa lang. Hindi puwedeng pareho.

Ang sasabihin ko naman, bakit ka pipili ng isa lang kung puwede namang makuha mo pareho? As a person, you should know your worth. And you should not settle for less. You are God's beautiful creation deserving to love and be loved in return. Paano ka magmamahal kung hindi mo alam kung paano ang mahalin? Paano mo maipadarama ang tamang pagmamahal kung ikaw mismo ay hindi iyon naramdaman?

Huwag kang maging maramot sa sarili mo. Huwag mong pagkaitan ng pagmamahal ang iyong sarili. Deserve mo na mahalin din.

Kaya next time na may magtanong sa'yo kung alin ang pipiliin mo, iyong taong mahal mo o iyong taong mahal ka?

Dapat, huwag kang pipili alin man sa dalawa. Dahil dapat ang piliin mo ay iyong taong mahal mo... at mahal ka rin. Unfair na nga ang buhay, pati ba naman sa pag-ibig unfair pa rin?

Dapat hindi.

He Speaks, She Talks (Completed)Where stories live. Discover now