A Piece of Advice

148 25 6
                                    

Habang nandito ka sa mundo, marami ka pang haharaping mga karanasan. Asahan mo nang hindi lahat ng mga karanasang iyon ay magaganda. Marami roon ay mga pagsubok na kapag napagtagumpayan mo ay mas huhubog pa sa iyong pagkatao. Hindi madali ang mabuhay sa mundo. Mula pagkabata hanggang sa iyong pagtanda ay susubukin ng buhay ang iyong katatagan at pananalig sa Diyos. Kaya lagi mong tatandaan na ang pagsuko ang pinakahuling bagay na dapat mong gawin.

Lagi mong iisipin na hindi ka magwawagi kung bibitaw ka... kung aayaw ka sa laban. Hindi naman kasi mahalaga kung manalo ka man o matalo sa hamong ibinigay sa'yo ng buhay. Ang mas importante, hindi ka sumuko. Show the world that you are made of sterner stuff.

Life is a journey. Some may be long and smooth, others may be short and rocky. But it does not matter whether you have a long or short life. What matters is how you travel through life's challenges and emerged victorious in the end.

In closing, allow me to thank you all for reading this short book of advice. Sana, in our own little way ay nakapagbigay kami sa inyo ng kahit konting kaalaman o wisdom na magagamit ninyo sa pang-araw-araw na buhay.

Next time na maka-encounter kayo ng mga problema, ngitian n'yo lang at pagkatapos ay tumingala kayo sa langit. Ipagpasa-Diyos n'yo na ang lahat ng problema dahil gaano man kalaki ang problemang iyong haharapin, mas malaki ang Diyos na sa'yo ay gagabay at tutulong sa paglutas ng mga suliranin mo sa buhay. That's the secret on how to live a happy life... putting God at the center of it.



He Speaks, She Talks (Completed)Where stories live. Discover now