TTL: Line12

128 5 0
                                    

TTL: Line12

Valentine’s Day na ngayon at walang klase. Lahat ng section and year level sa school na 'to, nagpaparty. Parang Christmas party lang. Nandito kami ni Anthony sa isang bench ng school namin. Magkatabing nakaupo habang hawak niya ang kamay ko. Kanina pa kami dito. Walang nagsasalita samin. May mga ibang mag-boyfriend din na nagde-date dito. Kaso syempre, may kanya kanyang pwesto.

"Ano na? May sasabihin ka ba?" tanong sakin ni Anthony.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sakin. Hindi ko kayang sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Ayoko.

"Gusto mo bang ako pa ang magsabi kung ano ang gusto mong sabihin sakin?" sabi niya ulit.

Napayuko ako at tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Isa siya sa mga taong nakakakilala sakin ng sobra kaya alam kong alam na rin niya kung anong mangyayari samin pagkatapos nito.

"Anthony, first year high school palang tayo noong una kitang makita. Noong una kitang magustuhan. First year high school tayo noong makita mo ang papel na ipinakat ni Alexander sa likod ko. First year high school tayo simula ng maramdaman ko ang kilig sa tuwing magkikita at mag uusap tayo..."

Hindi ako tumitingin sa kanya habang nagsasalita. Ayokong makita kung ano ang reaksyon niya. Magkahawak parin ang kamay namin hanggang ngayon.

"Crush na crush kita ng mga panahon na 'yun. Kunwari wala lang sakin lahat. Kunwari normal lang sakin na mag usap tayo. Pero hindi mo alam na kapag wala ka, halos magtititili ako sa saya at kilig dahil kinausap mo ako. Syempre. Crush nga kita, diba?" sabi ko tapos tumawa ng mahina. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang isang kamay.

"Akala ko, masaya kapag naging boyfriend mo ang crush mo. Akala ko, forever na ang saya na mararamdaman dahil finally, kami na ng crush ko. Pero nagkamali ako. Sa umpisa lang pala 'yun. Sa umpisa lang pala masaya at maayos ang lahat. Kasi kapag nagtagal, nawawala lahat. 'Yung saya, 'yung kilig, 'yung tuwa. Nawawala lahat lalo na kapag may iba ka palang mahal pero hindi mo alam. Akala ko, forever na 'yung nararamdaman ko sayo. May hangganan rin pala. Akala ko, dream come true ang maging kayo ng crush mo. Hindi pala..."

Humikbi ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Anthony sa kamay ko. Pero di ko siya tinitingnan dahil ayoko.

"Sorry. Kasi akala ko, hanggang ngayon, gusto kita. Hindi ko alam na matagal na palang nawala ang pagkagusto ko sayo. Ni hindi ko man lang naramdaman. Bigla ko nalang narealize. Sorry kung nasasaktan kita ngayon. Sorry kung nung sinagot kita at hinalikan mo ako, ibang tao ang nasa isip ko. I'm sorry, Anthony. Hindi ko sinasadya ang lahat. Pero maniwala ka sana na nagkagusto talaga ako sayo. Wag mong isipin na plinano ko ang lahat ng 'to. Dahil kung may choice lang ako, hindi ko gagawin 'to. Hindi kita sasaktan kung may ibang paraan lang. I'm sorry. Sana mapatawad mo ako."

Kahit na ayoko, hinawakan ko ang kamay niya gamit ang isang kamay ko at pinagbitaw ang kamay namin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero pinilit ko parin na pagbitawin kami. Masakit man, pero ito ang tama.

"Break na tayo, Anthony."

Pagkasabi ko niyan, tumingin ako kay Anthony at nakita ko ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata niya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Noon pa man. Noong araw na tinanong kita kung pwede ba kitang maging girlfriend, alam ko na noong mga panahon na 'yun na hindi na ako ang gusto mo. Alam ko na noon na siya na ang gusto mo. Hindi ako. Pero kahit ganoon, sumugal parin ako. Kahit na alam kong talo ako sumagot ka man ng oo."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ako sa mukha. Ni-rub niya ang thumb finger niya sa pisngi kong basang basa na ng luha.

"Mahal mo si Alexander, diba? Ipaglaban mo, okay? Susuportahan kita. Maging masaya ka kasama ng totoong mahal mo. Hindi ako magagalit kahit na ipagpalit mo ako sa kanya. Ang importante lang sakin, maging masaya ka. 'Yun lang. Kung talagang mahal mo si Alexander, kahit gaano kahirap, ipaglaban mo siya. Ipaglaban mo ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya. Wag kang matakot lumaban mag isa. Kasi nandito pa kami ng mga kaibigan mo para suportahan ka."

Matapos niyang sabihin 'yan, hinalikan niya ako sa noo ng tatlong segundo bago ngumiti sakin kahit na alam kong peke ang ngiting 'yon.

"Mahal kita, Krystal. Kaya pinakakawalan na kita."

**

Napaka sakit man ng ending ng relationship namin ni Anthony, alam ko naman na matapos nun, mahahanap namin ang tunay na kaligayahan namin. Malungkot ako kasi natapos na ang lahat ng meron samin. Pero masaya ako at the same time dahil pareho naming tanggap ang katapusan ng lahat sa amin.

"OMG! Break na daw si Krystal at Anthony!"

"Oo nga. Mismong valentines pa nila naisipang magbreak, huh?"

"Ouch. Sayang. Sa tingin mo ano dahilan?"

"Feeling ko, si Alexander."

Napailing nalang ako sa rumors na naririnig ko sa bawat paghakbang ko sa hallway ng school namin. Kahapon lang kami nagbreak ni Anthony pero kalat na kalat na sa school ngayon. Pagkapasok ko sa classroom, nakita ko si Mildred at Alexander na magkatabing nakaupo habang may pinag uusapan. Nagtatawanan pa. Napabuntong hininga nalang ako.

Simula ng araw na may naglagay ng palaka sa locker ko, hindi na ulit ako kinausap ni Mildred. Sa tuwing lalapitan ko siya, lalayo naman siya sakin. Minsan iniisip ko na may kasalanan siya sakin kaya ganoon nalang siya makaiwas eh. Pero ano naman ang gagawin niya sakin, diba? Sa tingin ko wala naman. Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Uh. Good morning." sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumingin naman silang dalawa sakin tapos si Alexander naman, biglang nag iwas.

"G-Good morning, Krystal." bati sakin ni Mildred.

Ibang iba na talaga ngayon si Mildred. Nag iba na ang itsura niya, nag iba na rin ang ugali niya. Nakakalungkot lang na namimiss ko ang demure type na Mildred. 'Yung binubully ko noon.

"P-Pwede ba kitang makausap, Alexander?" tanong ko sa kanya.

"Busy kami ng girlfriend ko."

Pagkasabi niya niyan, hinila niya na si Mildred palabas ng classroom. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

G-Girlfriend? Anong ibig sabihin niyang girlfriend niya si Mildred? Akala ko ba ako ang mahal niya? Pero bakit naging girlfriend niya si Mildred?!

The Thin Line [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon