TTL: Line1

292 6 1
                                    

Line1:

Krystal's POV:

"Baby! Come here. We have a visitor. Go down here. I'll introduce you to them." tawag sakin ng mommy ko.

Nandito kasi ako sa kwarto ko. Naglalaro ako ng barbie at doll house na ibinigay sakin ni Daddy galing sa States nung nag business trip siya.

"I don't want, mommy. I'm playing with my barbie and my doll house." I told mom without looking at her.

"Uh. Just a minute, baby." sabi pa ni mommy.

"Eh? Later mommy. I'll just finish playing with this." sabi ko ulit.

"Okay! Just make sure you'll go downstairs and see our visitors, okay?"

"Okay mommy."

Narinig ko ng sumara ang pinto ng kwarto ko kaya pinagpatuloy ko na ang paglalaro. But suddenly, I feel like I wanna pee! Iniwan ko muna ang toys ko sa bed ko at pumunta ako sa CR sa room ko para umihi. Nang matapos ako, lumabas na ako ng CR at pinuntahan ulit ang toys ko pero nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaki na minu-murder ang mga new dolls ko pati ang doll house ko ay nakatanggal na rin ang bubong.

Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko mula sa mata ko bago ako tumili ng malakas at sumigaw ng malakas.

"Mommy! Mommy!" sigaw ko .

Nakita ko naman na nagpanic 'yung lalaki na nasa bed ko habang pinapatay niya ang mga dolls ko. Mabilis siyang tumayo at pinuntahan ako habang ako naman ay tili ng tili at sigaw parin ng sigaw habang umiiyak.

"Mommy! He killed my dolls! Mommy!" sigaw ko pa.

Kitag kita ko kung gaano siya nagpanic kaya lumapit siya lalo sakin. Titili na sana ulit ako at sisigaw pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Shh! Wag kang maingay! Papagalitan ako ni mommy kapag nalaman niya 'to!" sabi niya pa.

Umiling naman ako at marahas na tinanggal ang kamay niya na nasa bibig ko bago ko pinunasan ang luha ko at tumili ulit ng tumili.

"Mommy! Mommy!" sigaw ko pa.

Maya maya lang, nakita ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita ko doon si Mommy kasama ang isang babaeng halos kasing edad niya siguro. Agad akong tumakbo kay mommy at yumakap sa kanya.

"What happened, baby?" she asked.

"H-He killed my dolls! And he broke the doll house! Look!" sabi ko sabay turo sa mga toys na nasa bed ko ngunit sira sira na.

Tumingin si mommy at yung babaeng kasama niya sa lalaki. Yumuko naman ang lalaki.

"Alex?" tawag sa kanya ng babae.

"Mommy..." sabi niya na parang sobrang guilty.

"Say sorry to her."

Lumapit naman sakin 'yung lalaki. Nakita ko na malungkot siya. Lumapit siya lalo sakin at nagulat ko ng hinalikan niya ako sa pisngi. Nanlaki ang mata ko kaya sinipa ko at napatili nalang bago ko siya pinag hahampas.

"Aahh! Pervert! How dare you?! Pervert! Aahh!" sabi ko sa kanya habang pinag hahahampas ko siya.

"O-Ouch! Ouch!"

"I hate you! I hate you! I hate you!"

Matapos kong sabihin 'yun, tumingin sakin 'yung lalaki na 'to ng seryoso habang si mommy naman at ang mommy nito ay nanonood lang samin.

"Do you know about the thin line?" tanong niya sakin.

"I don't care what you're talking about! Just don't show me your face forever! I hate you so much!" sabi ko sa kanya.

The Thin Line [2014] ✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant