TTL: Line3

191 5 0
                                    

TTL: Line3

2 years later...

Third year high school na kami pero hindi parin tapos ang pambubully namin ni Alexander sa isa't isa. Pati pambubully at pagma-match making ko sa kanila ni Mildred, hindi parin tapos. Nakakainis kasi eh! Ayaw pang magkainlove-an para tapos na ang problema ko!

"Nauubusan ka na ba ng alas para kay Alexander?" tanong sakin ni Lani.

Kumakain kami ngayon ng lunch dito sa cafeteria habang ako, nakatingin ng masama sa isang table kung saan nakaupo sila Alexandeer kasama ang mga barkada niya.

"Psh. Hindi no. Hahayaan ko muna siya sa gagawin niya bago ko siya banatan ng mas matindi." sabi ko sabay inom ng juice na inorder ko.

Nakatingin parin ako hanggang ngayon sa table nila Alexander. Lumingon siya sakin at nagsalute. Inirapan ko naman siya.

"Ang tagal na rin ng LQ niyo na 'yan ha? May three years na rin siguro. Hahaha." sabi naman ni Aika.

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"LQ? Quarrel lang. Abnormal." sabi ko sa kanya.

Maya maya, may kumalabit sa likod ko. Paglingon ko, napangiti ako ng malapad.

"H-Hi." sabi ko.

"Pwedeng makishare ng table?" sabi niya.

"Oo naman, Anthony." sabi ko naman.

Ang nasa tabi kong si Mau ay lumipat sa kabilang upuan. Bale tatlo na sila sa kabilang side tapos kaming dalawa lang dito ni Anthony sa kabila. Kinikilig ako. Hihihi.

"May gusto ka pa bang kainin?" tanong niya sakin.

"Uh. W-Wala. Okay na 'to. Ayokong tumaba. Papangit ako tulad ni Mildred." sabi ko. Tumawa naman si Anthony.

"Maganda ka kahit tumaba ka. Believe me."

'Yung kinikilig ng lihim sa isang tabi? Baka Krystal Manrique 'yan? OMG. My crushiee~

"Ang sweet oh?" malakas na sabi ng tatlo na nasa harap ko na parang kilig na kilig.

"Shut up." sabi ko.

Tumingin ako sa table nila Alexander at medyo nanlaki ang mata ko ng makita ko ang masamang tingin ni Alexander sakin. Ano na namang ginawa ko? Di ko naman siya inaano eh. Nag-belat nalang ako sa kanya bago kumain.

"Ice cream, gusto mo?" tanong sakin ni Anthony.

"Wag na. Okay na 'to." Sagot ko naman.

"No. I insist. Wait for me okay?" sabi naman niya bago tumayo at bumili ng ice cream.

Napailing nalang ako bago ibinaling ang tingin ko sa ngiting ngiti na sila Maurene, Melani at Aika.

"Oh, bakit?" tanong ko sa kanila habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

"Wala. Ang sweet kasi. Nakakakilig." sabi ni Mau.

"OA mo." sagot ko sa kanya ng natatawa tawa.

Pero sa totoo lang, ako rin kinikilig. Jusme naman kasi eh. Crush ko kasi si Anthony. Ang gwapo kasi. Emeghed.

"Oo nga, Stal. Nakakakilig. OMG kayo. Kaso mas trip ko 'yung AlexStal Love team. Mas cute kayo tingnan kapag nag aaway kayo." sabi naman ni Aika.

"Yuck!" reklamo ko sa kanila.

"Totoo, friend. Perfect chemistry kayo kapag nag sasapakan." sabi naman ni Lani.

"Yap! Nakakakilig kayo ni Anthony pero 'yung feeling na kahit na nag aaway kayo palagi ni Alexander, nakakakilig parin." giit ni Mau na balimbing.

The Thin Line [2014] ✅Where stories live. Discover now