TTL: Line2

207 5 0
                                    

TTL: Line2

Pagkapasok ko sa school kinabukasan, nakita ko na nasa classroom na si Alexander. Ngumiti siya sakin ng parang may planong masama. Naramdaman ko naman na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Oh, Alexander. I'm so ready! Tsk.

Umupo na ako sa upuan ko at binato ko rin siya ng masamang tingin. Tinaasan ko pa siya ng kaliwang kilay bago ko inirapan. Maya maya, pumalakpak siya na parang tinatawag ang atensyon nilang lahat. First year palang kami sa pagiging high school kaya wala pa akong ka close gaano. Buti pa 'tong hunghang na 'to. Tss.

"Guys! May I have all your attention, please." sabi niya.

Nakaupo siya sa teacher's table na akala mo bang siya 'yung supervisor ng school na 'to. Tumingin sa kanya lahat ng classmates namin pati 'yung mga dumadaan lang.

"Si Krystal Manrique, ngayon ay girlfriend ko na. Pinilit niya kasi ako kahapon. Sabi niya kami nalang daw. Eh dahil ang gwapo ko, pumayag nalang rin ako." sabi niya tapos nag Wala-Eh-Sign pa siya.

Nalaglag naman ang panga ko matapos marinig ang mga sinabi niya. Narinig ko naman na nagsigawan na ang mga classmates namin at nagpalakpakan. Pati mga students na napapadaan lang para pumasok sa classroom nilang sarili, nakikiparty sa mga kaklase ko. Mga talipandas na mga 'to. Nakita ko naman na tumatawa si Alexander habang nakikipag high five sa mga kaklase namin. Tumingin siya sakin at kinindatan ako. Muling nalaglag ang panga ko sa ginawa niya. Pero nakabawi naman kaagad ako at pinakyu ko siya. Tinawanan na naman niya ulit ako.

Humanda ka sakin, Alexander. Mamaya ka sakin. Sisiguraduhin kong mas malala pa ang gagawin ko sayo.

Nang matapos na ang klase ngayong umaga y nagpunta na kaming lahat sa cafeteria para kumain. Kasama ko sa table si Lani, Mau at Aika. Tumingin sila sa likod ko at tiningnan nila ako ng mapanuksong tingin.

"Oh, bakit?" tanong ko sa kanila.

"Boyfriend mo girl, oh." sabi nila tapos tumingin ulit sa likod ko na parang kilig na kilig.

At dahil alam ko na kahit sino 'yung tinutukoy nila kahit lumingon parin ako at nakita kong nakaupo siya sa table sa likod ng table namin. Nakangiti siya tapos kumindat sakin. Ngumiti ako sa kanya. 'Yung ngiting may plano? Haha! Humanda ka sakin.

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng cafeteria at nang makita ko ang nag iisang babae na nakaupo sa isang table, as in mag isa lang, lalo akong napangiti.

"Girl, wag mong sabihin na ibubully mo na naman?" tanong sakin ni Mau, short for Maureen.

"No. Bibigyan ko lang siya ng love life." sabi ko bago tumayo mula sa pagkakaupo.

Tinawag ko ang atensyon ng lahat ng nasa cafeteria para sa isang napaka gandang balita.

"Girls, guys and gays. May I have your attention, please." sabi ko gamit ang malakas na boses.

Napahinto naman ang karamihan sa pagkain at tumingin sakin pati 'yung babaeng target ko at ang mga kasama ni Alexander, habang si Alexander naman ay umiinom lang ng softdrinks habang nakatingin sakin na parang alam na may pinaplano ako. Well, sorry siya. Hindi ako basta basta gumaganti. Alam niya 'yan.

"Ang kumakalat na rumors na kami na daw ni Alexander Velasquez ay hindi totoo. Siya lang po ang may sabi niyan. Ang totoo po niyan..."

Medyo binitin ko pa sila dahil sigurado akong mag ttrending 'to sa underground website.

"Ano?" sabay sabay na sabi nila.

"Si Mildred Anne Santos ang totoong mahal ni Alexander Velasquez. May kumalat na dating rumors na patay na patay si Alexander kay Mildred, diba? Siguro naman maniniwala kayo kapag sinabi kong sila na ngayon at pinag tri-tripan niya lang ako kaya niya nasabi na kami na daw. Oo, guys. Sila na. Let's congratulate them and wish them a long and a happy relationship, everyone!" sabi ko tapos pumalakpak.

The Thin Line [2014] ✅Where stories live. Discover now