TTL: Line8

124 5 0
                                    

TTL: Line8

"Good morning, Krystal." bati sakin ni Anthony pagkalabas ko ng bahay.

Narinig ko na kasi 'yung pagbusina ng sasakyan niya kaya di ko na tinapos 'yung breakfast ko. Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin ko siya, diba?

"Good morning din, Anthony." I greeted him back.

Lumingon lingon ako sa kalye. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko, may hinahanap ako.

"May hinahanap ka ba?" tanong niya sakin. Lumingon ako sa kanya at umiling.

"W-Wala. Let's go." sabi ko.

Pinagbuksan na niya ako ng pinto sa tabi ng driver's seat at pinapasok doon. Umikot siya at sumakay na rin sa driver's seat para magdrive. Buti pa siya may student's license. Ako wala. Ayaw ni daddy na magdrive ako mag isa eh.

**

Nandito na kami sa school. Nasa tapat na kami ng classroom namin at medyo marami na ring tao sa classroom namin.

"Thank you sa pagsundo sakin." sabi ko.

"No problem. Basta ikaw." sabi naman niya. "Sige. Pasok na ako sa classroom ko ha?

Tumango lang ako at nagwave nalang ng kamay. Umalis na siya. Pumasok na ako sa classroom namin at umupo sa upuan ko. Maya maya, may pumasok na isang babaeng sobrang familiar sakin. Nalaglag ang panga ko ng mapagtanto kung sino iyon.

"OMG! Mildred, ikaw ba 'yan?!" hindi makapaniwalang tanong ng isang kaklase ko.

Naglapitan sa kanya ang mga kaklase kong iba at nagbato ng napakaraming tanong habang ako, nakatulala parin sa kanya. Anong nangyari sa kanya? Ang dating manang at maitim, ngayon, ang ikli na ng palda at pumuti na! Gumanda pa siya. Pero syempre, mas maputi at mas maganda ako sa kanya.

Pero kahit na! Ibang Mildred na 'to eh. Ito ba ang nagawa ng halik ni Alexander sa kanya sa pisngi? WTH? Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Good morning, Krystal." bati niya sakin.

"G-Good morning din." sabi ko.

Nakatingin parin ako sa kanya na hindi makapaniwala. Nagpa plastic surgery kaya siya? Nakita kong sumimangot siya.

"Hindi ba bagay sakin?" tanong niya sakin. Natauhan naman ako.

"No. No. Ang ganda mo. Promise. Anong ginawa mo sa sarili mo? Bakit ka nagpaganda ng ganyan?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin at parang may naalalang sobrang nakakakilig na eksena sa buhay niya.

"Wala lang. Ang saya ko lang. Thank you, Krystal." sabi niya ng may matatamis na ngiti sa labi.

Geez. Ginagaya ba niya ang style ko ng pag aayos? Bakit pareho kami ng brand ng lip gloss na ginagamit? Tsk.

"Bakit ka nag tthank you sakin?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi ikaw ang naglapit sakin kay Alexander. Kahit madalas, binubully mo ako dahil ang panget ko, masaya parin ako kasi dahil sayo, minahal ko ang isang Alexander Velasquez."

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon? Na dahil sa pambubully ko sa kanya, nagkagusto siya ng tuluyan kay Alex?

"Sana, magustuhan niya na rin ako ngayong maganda na ako."

And the winner is... Mildred Anne Santos! Panalo 'to. Panalo 'to sa kalandian. So kaya pala siya nagpaganda, para magustuhan siya ni Alexander? Eh kung paliguan ko kaya 'to ng muriatic acid? Bakit hindi siya maging totoo sa sarili niya para magustuhan siya ng isang tao? Bakit kailangan niya pang magpaganda? At bakit ba galit na galit ako?!

The Thin Line [2014] ✅Where stories live. Discover now