CHAPTER LVI. |WELCOME BACK|

Start from the beginning
                                    

 “Tss. FYI Budz. Engaged na kami” Sabay pakita ko sa kanya ng singsing sa kamay ko.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Wala talagang alam ‘to sa mga nangyari. Nawalan na talaga siya ng kumunikasyon saming lahat simula nang namayagpag na ang karera niya sa US.

Nagpatalon-talon pa ito “Im soo happy sa inyo ni Kuya!!! Waaah. Sa wakas!” sabay yakap niya ulet sakin. Tss. Wala parin talagang pagbabago.

“Eeer. Maxine?” Napatingin naman ako kay Shaleen na nakatayo sa harap ko. Bale nakatalikod sa kanya si Budz.

Unti-unti namang humarap sa kanya si Budz. Yung reaksyon ni Shaleen parang reaksiyon ko lang din kanina.

“Ahm. Hi” Budz.

Dali-dali namang lumapit si Shaleen samin. “OMG! L-LIXIEN CHUA?! T-The PRINCESS OF CATWALK?! Is it you?”

Natatawa namang tumango-tango si Budz.

“WAAAAAHHHHH” sabay yakap ni Shaleen kay Budz. “OMG. Napapanuod kita sa Hollywood. Grabe.” Mukha siyang na-starstruck kay Budz.

“Hoy, Shaleen ano ka ba? Sabi ko naman sayo di ba kakilala namin si Budz” singit ko.

Natawa naman si Shaleen. “Pasensya naman. Haha. Hindi ko akalain eh.”

“Ahm, Your friends?” Tanong ni Budz.

“YES!” sagot agad ni Shaleen.

“Really? How did you met? Are you also from Kangnam?”

“OO dun din ako pumapasok! Nagkakilala kami ni Maxine dahil kay C-------

“Ay! Shaleen! Ahm hindi na pala ako makakasama. Asikasuhin ko muna si Budz” putol ko sasasabihin niya. Naku. Pano ba ‘to.

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Shaleen.

“Ahm. Max, ok lang kung sumama ka muna sa kanya. Saka na lang tayo mag-usap pag karating mo” Budz.

“Ahm, Miss. Lixien kung pede… gusto mo sumama ka na din samin?! Matutuwa si Mommy pag nakita ka! Halos lahat ng Magazine kung san nandun ka, meron siya! She loves fashion! And also you...” Dire-diretsong sabi ni Shaleen.

Sasama kaya si Budz? OMG. Now they met. Ano kayang magiging reaksiyon ni Budz pag nalaman niya na close si Shaleen kay Clyde. Naku.

LIXIEN POV

“Hija ito pa.” Sabay bigay ulet sakin ng Mgazine ni Tita, mommy ni Shaleen.

Pa-pito na ata ito sa magazine na pinipirmahan ko. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakangawit din ang pumirma. 

“Mommy, tama na yan. Nakakahiya kay Lixien.” Sita ni Shaleen. Natawa naman ako para kasi silang magkapatid lang kung magturingan. Nakakatuwa ding kasama si Shaleen, di na ako  magtataka kung bakit sila naging close ni Max.

“Ahm, Lixien Hija, totoo ba yung chismis na naging Kayo daw ni Chace Crawford?” Tanong ni Tita.

Bigla naman akong nasamid sa tanong niyang yun. “May tsismis po palang ganun. Nagkasama lang po kami sa isang photoshoot, nothing else” sagot ko naman.

“Ohh, sayang naman Hija. May chemistry pa naman kayo”

I gave her an awkward smile.

“Wait lang Mommy ahh, kuha lang ako ng Juice pa” Paalam ni Shaleen

“Ahm, tulungan na kita” Max.

Siya namang pagtingin ko kay Max. 

“Sige na tulungan na kita” Max, at hinila na nito kay Shaleen papunta sa kitchen. Nakasunod lang ang tingin ko sa dalawa.

SHE'S MINE.ONLY MINE [PUBLISHED Under Life Is Beautiful (LIB)]Where stories live. Discover now