8: I want my Katherine back

124 6 1
                                    

Katherine's POV

Maaga akong nagising para tumulong sa maids na magluto. Medyo masakit pa din yung sugat ko sa ulo ko. Nakakaramdam pa din ako nang paghina ng katawan.

"Ako na po dito, pakiluto nalang po nung kanin." Sabi ko.

Nakapag desisyon na ako, dapat maayos ko ang lahat. May anak na kami ni Trey, at fiancé ko na si Trey.

Habang hindi pa lumalala ang nararamdaman ko kay Lucas, dapat putulin ko na ito habang maaga pa.

Gagawin ko ang lahat para maayos ang pamilya namin.

--

Halos isang oras na din ang nakalipas at tapos na akong magluto. Saktong sakto at bumaba na din si Trey, karga karga niya si Travis.

"G-Good morning, Love." Nakangiting bati ko kay Trey.

"Good morning." Walang gana niyang sagot.

"Daddy tabi po tayo!" Excited na sabi ni Travis.

Magkatabi silang umupo. Hinanda ko na din yung mga niluto ko.

"Mommy did you cook all of this?" Amazed na tanong ni Travis.

"Oo naman, ako pa." Natatawa kong sabi.

"Wow! I'm gonna finish it all!"

Uupo na sana ako sa harapan nila nang biglang magsalita si Trey.

"Dito ka sa tabi ko."

Tumayo agad ako at lumipat sa tabi niya.

"Iwan niyo na muna kami." Utos niya sa mga maids. Agad naman siya sinunod nito. Naiwan kaming tatlo sa dining area.

Nagumpisa na kaming kumain. Walang umiik saming dalawa ni Trey. Si Travis naman kung ano ano ang pinagsasasabi minsan tumatawa nalang ako ng peke. 

Mukhang wala ata sa mood si Trey o kaya, galit pa din ito dahil sa nangyari kahapon.

Natapos na akong kumain. Halos nakailang subo lang ako. Wala naman kasi akong ganang kumain.

"Mommy tapos kana po? Ang onti lang po nang kinain niyo, magkakasakit kayo niyan." Naka-pout na sabi ni Travis.

"Busog pa kasi si mommy." Tangi kong sagot.

Biglang huminto sa pagkain si Trey. Naramdaman ko yung kamay niya sa hita ko at hinihimas himas ito.

"Son, why don't you go upstairs and take a bath? Let's go to the mall and we will buy you a lot of toys." Nakangiting sabi ni Trey.

"Talaga po?!"

"Yes, so go now. Call your yaya to help you." Sagot ni Trey.

Trey's POV

"L-Love..."

Tinigil ko na ang paghimas sa binti niya. Tumayo na ako at para pumunta sa kwarto.

"Love, wait...." Rinig kong sabi ni Katherine.

Pumunta ako sa closent ko para kumuha ng damit. Pagkatapos, pinatong ko ito sa kama at nagumpisang maghubad at magtapis ng towel.

Naramdaman kong kanina pa nakatayo si Katherine at hinihintay na kausapin ko siya.

"What do you want?" Tanong ko.

"Love, may gusto lang akong hilingin sayo..."

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Love, mag-simula tayo uli. Ayusin na natin to para kay Travis. A-Ayokong magaway pa tayo. Please, Love, ayusin natin yung relasyon natin." Pagmamakaawa nito.

"Hinding hindi na ako makikipagusap o makikipagkita kay Lucas. Iiwasan ko na siya. Kung gusto mo, magpakalayo layo tayo. Please, ayusin na natin to." Dagdag niya pa.

"I was asleep for three fucking years! And I don't know what happened to you or between the two of you within that year! I fucking want to kill myself because when I saw the both of you about to kiss, I feel like I was too late and I have nothing anymore!" I said angrily.

Tumulo na ang mga luha niya. Lumapit ito sakin at niyakap ako.

"Walang araw na kinalimutan kita. Araw araw kitang pinapakiusapan na gumising kana. Palagi kitang tinatabihan kapag natutulog ako. Oo nangulila ako sayo! Pero hindi sapat  iyon na dahilan para kalimutan na kita. Trey...Love, mahal na mahal kita. "

I love you too, Love.

"Marry me..." I said.

"If you want to fix this and go back like we used to, marry me and let's go somewhere where no Lucas or no one knows us." Dagdag ko.

"Y-Yes. Let's get married."

Kumalas ito sa pagkakayakap at agad akong sinunggaban nang halik.

Damn I missed her.

I respond to her kiss.

Lucas' POV

Kamusta na kaya si Katherine? Sana okay na siya. Bakit niya kasi ginawa yun? Sana hinayaan niya nalang na tumama sakin yumg vase. Mas nagaalala tuloy ako sakanya.

"How about this one?" Tanong ni Barbie. Pinakita niya samin yun dress na suot niya.

"For fuck sake Barbie they are all the same! Just choose so we could leave." Inis na sabi Maddy.

Kanina pa kasi kami andito sa botique. Ang tagal mamili ni Barbie nang damit. Iisang style lang ng damit ang sinusukat niya pero magkakaiba ng kulay kaya naiinis na din si Maddy.

Andito kami ngayon sa mall, niyaya lang nila ako para makalimutan ko yung nangyari kahapon.

Lumabas na si Barbie sa fitting room. Binayadan niya na yung mga pinili niyang damit.

"Wait, is that Trey and Kath?" Tankng ni Maddy.

Napalingon kami sa isang restaurant. Kitang kita namin na masayang kumakain sila Kath, Trey at Travis. Para silang isang masayang pamilya.

"Gosh umalis na tayo. Baka mamaya uminit nanaman ang dugo niyan ni Trey." -Barbie

"Tama ka, halikana Lucas. Sa ibang araw nalang tayo uli mag mall." -Maddy

Gusto kong tumakbo papalapit kay Katherine para yakapin siya pero hindi ko magawa. Alam kong ayaw niya na ng gulo. Nakiusap siya sakin na lumayo sakanila lalo na kay Trey.

Malaman ko lang na sinasaktan mo si Katherine, ako mismo susugod sayo kahit magkapatayan pa tayo.

~*~

Vampire series 1: While He's Asleep [COMPLETED]Where stories live. Discover now