15: A new hybrid

41 5 0
                                    

Lucas' POV

"It's starting." Sabi ni Quil.

Napatingin ako sa buwan. Onting onti nalang ay mag-fufull moon na ito.

"Ako na bahala kay Maddy." Sabi ko kay Quil habang abala ito sa pag-oorasyon.

Naglakad ako papalapit sa kulungan ni Maddy. Nanghihina ito at walang kalaban laban.

"Don't...l-let him do this to you...Lucas." Nanghihina nitkng sabi.

Binuksan ko yung kulungan nito at dahan dahang inalalayan palabas. Dahil nanghihina ito, agad siyang bumagsak sa sahig.

Lumuhod ako para alalayan ito na umangat.

"I'm sorry, Maddy." Seryoso kong sabi.

Napatingin naman ito sakin. Naramdaman ko yung higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"I-I'm not afraid to die... I-I'm afraid what monster he'll turn you." Natatakot nitong sabi.

Hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi.

"I'm not gonna hurt them. " Sagot ko sakanya.

Unti unti niya akong niyakap. Nararamdaman ko yung paghabol niya sa hininga niya.

"Lucas..." Tawag sakin ni Quil.

Pinigilan ko na tumulo yung mga luha ko. Maingat kong hinugot yung kutsilyo sa bulsa ko.

"Good bye, Maddy."

Agad kong ibinaon yung kutsilyo sa likuran niya. Sinigurado kong bumaon ito sa puso niya.

Lumapit yung dalawang tauhan ni Quil at binuhat si Maddy. Hiniga nila yung katawan nito sa bato at inumpisahan ang pagkuha ng dugo nito sa palapulsuhan.

Nang masalin nila ito sa chalice, pumunta sila sa werewolf na nakahandusay sa sahig. Isa ito sa tauhan ni Quil na ginawa niyang sakripisyo.

Ibinigay ng tauhan yung chalice kay Quil. Hinila nila yung katawan ni Maddy at nung werewolf.

Pinanood ko kung paano nagliyab yung dalawang katawan sa harapan ko.

"frères et sœurs....Je vous offre un sang de vampire pur. Et le sang d'un pur loup-garou."


"Une fois la pleine lune réglée, ce sang se combinera et produira un nouvel hybride."

"À l'arrivée de la pleine lune, elle donnera naissance à un hybride."


( TRANSLATION:Brother...Sisters...

I am offering you a blood of a pure vampire. And a blood of a pure werewolf.

Once the full moon is set, these blood will combine and will produce a new hybrid.

As the full moon arrives, it will give birth to a hybrid. )

Biglang lumapit yung dalawang tauhan sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Lumapit sakin si Quil na hawak hawak yung chalice.

Hinawakan ni Quil yung panga ko at sapilitang ibinuka yung bibig.

"Drink up."Utos nito.

Sapilitan niyang ipinainom sakin yung dugo. Napatingin ako sa buwan, tuluyan nang nag-full moon ito.

Nakaramdam ako ng kirto sa buong katawan ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko na para bang hinihingal ako.

"Ahh.."

Vampire series 1: While He's Asleep [COMPLETED]Where stories live. Discover now