19: Growing pains

44 4 0
                                    

After two years..

Barbie's POV

Ibinaba ko yung hawak ko na boxes at inilapag sa lamesa dito sa hallway. 8am na, kailangang magpaaraw ni Kath.

Pumunta ako sa kwarto niya at binuksan ito. Nakita ko agad si Kath na naka-upo sa wheelchair at nakasilip sa balcony.

May panibagong canvas nanaman sa sahig. Mukhang hindi ito natulog at nag-paiting lang kagabi.

"Kath, magpapaaraw tayo ha?" Nakangiti kong sabi.

Nanatiling naka-upo si Kath at hindi umiimik. Lumapit ako sakanya at inayos yung wheelchair. Pagkatapos, dahan dahan kong itinulak yung wheelchair niya palabas ng kwarto.

Lumipat uli kamo ng bahay ni Kath, sa isang one storey house nalang. Dalawa lang naman kami at hindi naman kami nagkakaroon ng bisita madalas.

Maingat kong itinulak yung wheelchair palabas ng bahay at pinark to sa usual spot niya.

"Babalik ako after twenty minutes ha? Dyan ka muna Kath." Bilin ko rito.

Hindi na sumagot si Kath. Tumalikod na ako at pumasok sa loob uli. Pumunta ako sa kusina at itinuloy yung paghugas ng mga pinggan.

Habang naghuhugas ako, napadungaw ako sa bintana para tignan si Kath.

It's been two years at ganyan pa rin siya. Ever since mawala si baby Kai, mas lalo itong nahirapan. Gabi gabi ito binabangungot. Minsan, sisigaw ito sa gitna ng gabi at sasabihing nakita niya raw si Travis at si baby Kai sa panaginip niya.

Ilang beses rin siyang nag-attempt mag suicide. Kaya naman pina-check up ko na si Kath. Sabi ng doctor, depressed daw siya at nasa high risk ng pagcommit ng suicide.

Ipagpatuloy namin yung treatment at medications niya, kahit papaano kumakalma siya.

Isa sa mga treatment ay yung pag-eexpress sa sarili. Kaya natuto si Kath mag-painting.

Pero kung makikita niyo lahat ng paintings, pare parehas ang sinasabi nito. Lahat ng paintings ni Kath ay tungkol sa vampires lalo na yung gabi na nawala sina Trey at Travis.

Kung anong memory ang naalala niya kay Trey, madalas ayon ang pinapainting niya.

Napahinga nalang ako ng malalim habang tinititigan si Kath. Kahit ako, naaawa sa kondisyon niya.



Katherine's POV

Yakap yakap ko yung dalawa kong binti. Nahihirapan akong gumalaw dahil sumasakit ang buong katawan ko.

Napaligon ako sa painting na nasa tapat ng kama ko. Painting ko ito,  pinagmasdan ko yung painting ng lalaking nakatalikod at nakaharap kung saan.

*Flashback*

"Kath excited nako sa swimming bukas!"- Barbie

"Oh basta, wag kakalimutan yung bikini ha!"-Maddy

"Of course no. Ang dami kayang hotties don."- Barbie

Natawa naman ako sa pinag-uusapan nila Barbie. May school outing kasi kami, mauuna kaming magswimming sa beach kasama yung isang section.

Habang abala sila sa pakukwentuhan, napahinto ako nang may makita na lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan.

Parang hindi siya nag-aaral rito. Naka-suot ito ng tuxedo at may kinakausap.

Vampire series 1: While He's Asleep [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora