18: Everything is gone

42 4 0
                                    

Katherine's POV

Napamulat ako ng mata ko. Nasinag ako sa sobrang liwanag ng mga ilaw. Pakiramdam ko, sobrang bigat ng katawan ko.

"Kath..."

Narinig ko yung boses ni Barbie.

"S-Si Travis...a-asan siya..." Nanghihina kong sabi.

Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Kath, kailangan mong magpahinga. Makakasama yan sa baby mo."

Napatigil ako sa sinabi ni Barbie.

"A-Anong sinabi mo?" Pagtataka ko.

"Sabi ng doctor, buntis ka raw. Hindi mo ba alam?"

Dahan dahan akong napahawak sa tyan ko.

B-Buntis ako. Magkaka-baby na uli kami ni Trey. Dapat malaman niya 'to.

Nagpumilit akong bumangon at umalis sa kama. Hinila ko naman yung dextrose sa kamay ko.

"Kath ano ba!" Suway ni Barbie

Lalabas na sana ako sa pinto pero pinigilan niya ako. Humarang siya rito at hinawakan ako sa balikat.

"Barbie...please hahanapin ko si Trey. Asan ba siya? Asan si Travis?" Naiiyak kong sabi.

"Dapat malaman niya na magkaka-baby uli kami. Panigurado matutuwa yon." Dagdag ko pa.

Biglang lumungkot yung tingin sakin ni Barbie.

"I-I'm sorry Kath..."

"Pero w-wala na sila. Huling kita ko kay Trey, paalis na siya sa mansion niyo. "

"Pinigilan ko naman siya Kath. Pero siya na ang nagsabi na lalayo sila rito ni Travis. Hindi niya sinabi kung saan, hindi ko na rin nakita si Travis. "

Mas lalong tumulo yung mga luha ko dahil sa sinabi ni Barbie.

"H-Hindi niya pwedeng ilayo sakin si Travis! S-Sakin si Travis! Hahanapin ko yung anak ko, Barbie. Palabasin mo ako!" Natatarnta kong sabi.

Niyakap niya ako ng mahigpit para tumigil ako sa pagpupumiglas.

"Kath please, sa tingin mo makakabuti yang ginagawa mo? Wala na sila, kahit anong gawin mo hindi na sila babalik. Kilala mo si Trey, alam mo yung kaya niyang gawin."

Hindi ko mapigilan na mapahagulgol sa iyak.

"W-wala na sila..." Hindi makapaniwala kong sabi.

"I-Iniwan na nila ako..." Dagdag ko.

Naramdaman ko yung paghaplos ni Barbie sa likod ko.

"Shhh, andito naman ako Kath. Hindi kita iiwan. Tatlo tayo ng baby mo." Paniniguro nito.

Niyakap ko pabalik si Barbie. Alam kong may pinagdadaanan rin siya dahil wala na si Maddy, yung kauna-unahan niyang kaibigan noong mortal pa siya hanggang sa sabay silang naging vampire.

"Poprotektahan ko kayo ni baby. Huwag kang mag-alala Kath, hindi ko kayo iiwan. " Dagdag la nito.


------


After three months...

"Bagay itong mini sa room ni baby Kaitlyn, diba?" Tanong ni Barbie

Ibinaba ko naman yung tinitignan ko na baby bottles.

"Oo bagay. " Nakangiti kong sagot.

Vampire series 1: While He's Asleep [COMPLETED]Where stories live. Discover now