4: Travis

133 9 1
                                    

Trey's POV

"A-alam mo Trey, baka wala siya dito."

"Oo nga. Sa pagkakaalam ko lumipat na sila."

"Baka ibang tao na kasi nakatira diyan. Nakakahiya."

"Just shut up! " Galit kong sabi.

It's 9 pm. Kasama ko ngayon sina Maddy at Barbie sa dating bahay nina Katherine. Baka sakaling andito siya.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nahahanap.

"Knock." Utos ko kay Barbie.

Wala itong nagawa kundi sumunod.

*Knock Knock*

"Katherine nasan ka na ba?" Rinig kong bulong ni Maddy.

Napangiti nalang ako ng lumabas yung may ari ng bahay.

"Anong kailangan nyo?" Bungad ng dalagang babae. Nararamdaman kong walang tao sa loob ng bahay bukod sakanya.

"Kilala mo ba si Katherine Pierce?" Tanong ni Maddy.

"Eto yung litrato niya. Baka sakaling mamukhaan mo." Pinakita ni Barbie yung picture ni Katherine sa phone niya.

"Anak siya ng dating may ari ng bahay na ito. Kasama siya nung binenta yung bahay nila. Pero hindi na sila pumupunta dito simala ng mabigay na namin yung bayad." Sagot niya.

"Do know where they live now?" Tanong ko.

"I'm sorry, hindi ko pwedeng sabihin. Kabilin bilinan kasi." Pagsusungit niya.

Napa-ngisi ako sa sagot niya.

"We'll that is not right." Nakangisi kong sabi.

"AAGHHHH!"

Mabilis ko siyang sinugod at binaon ang mga pangil ko sa leeg niya. It's been a year since I tasted blood. And I miss this.

"T-Trey---"

"Trey stop! Baka may makakita!"

Hindi ako nakinig. Sa halip, hinintay ko itong tuluyan nang mamatay bago ko ito tigilan.

"Oh my...."

"Kailangan na nating umalis dito!"

Pinunasan ko ang labi ko para mawala ang bakas ng dugo.

"So, saan na tayo?" Nakangiti kong tanong na para bang walang nangyari.

"U-Uh.. Umuwi nalang tayo. Hindi rin naman natin alam kung nasan siya." -Maddy

"Oo nga. Mas mabuti kung bukas nalang."-Barbie

"No. I need to find my fiancé." Malungkot kong sabi.

Katherine, where are you? Wala ka bang balak na puntahan ako? Akala ko pag gising ko ikaw agad yung bubungad sakin pero hindi, wala ka sa tabi ko.

"Please Trey, nagugutom na kami. Promise bukas na bukas gigising kami ng maaga para lang ipagpatuloy yung paghahanap." -Maddy

"I agree! Tsaka isa pa, gabi na. Tulog na ang mga tao." -Barbie.

"Fine. Siguraduhin nyong makikita ko na si Katherine bukas. Huwag niyong ubusin ang pasensya ko." Sagot ko.

"Oo promise hahanapin natin siya " -Barbie

"Bagk kami matulog maghahanap kami ng lugar kung saan siya naroroon." -Maddy

Lucas' POV

"Here is your order Sir."

Kinuha ko yung sandwich at coke ko. Lumabas nako at pumunta sa kotse ko. Hindi ko alam kung saang lugar ito basta ang malayo ito sa mga problema ko.

Napasandal ako sa kotse ko habang kinakain ang pagkain ko.

Pati na rin ako ay mababaliw na sa kakahanap kay Katherine. Wala siyang sinabi kung saan siya nandon.

Katherine bigyan mo ako ng pagkakataon para lang patunayan na mahal talaga kita. Ako naman piliin mo.

Napatigil ako sa pagkain ko ng biglang may tumamang bola sa paanan ko.

"Sorry po." Sabi ng isang batang lalaki. Naka-pout ito at yumuko.

Yumuko ako para kunin yung bola at iabot sakanya.

"It's okay. Next time becareful when you play." Nakangiti kong sabi.

Kinuha niya yung bola at tinignan ako.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mata niya. May kahawig ito.

"I want a sandwich too!" Sabi niya at tinuro yung sanchwich na hawak ko.

"Here. Have it." Inabit ko sakanya yung isang sandwich na hindi ko pa nababawasan.

"TRAVIS! THERE YOU ARE!"

"Mommy!"

Nanlaki ang mata ko. Nabitawan ko din yung sandwich na hawak ko.

"Mommy look! That guy gave me a sandwich." Sabi nung bata at tinuro ako.

"L-Lucas?"

"Katherine."

~*~

Vampire series 1: While He's Asleep [COMPLETED]Where stories live. Discover now