"Okay lang. Tatakbo lang naman ako sana. Akala ko kasi, mamaya pa kayo."
"Mahilig ka pala tumakbo. Kaya pala..slim ka." At ni sa hinagap, hindi niya iyon inasahan kay Miss Vera. Para itong walang kasigla-sigla sa school pero sa labas pala, fitness buff.
At ano iyong disguise-disguise na sinasabi ni Cade? Para saan iyon?
"Nasaan si--" luminga si Miss Vera, "Coach?"
"Ah, nasa labas pa siguro. Baka nahihiya pumasok." Balewala niyang sagot. Bakit nga ba hindi pa sumunod si Cade sa kanya?
"Normal lang naman ang mahiya sa 'ting mga Pilipino pagdating sa ganito.'yung iba nga, ayaw magpakita--" dalawang silid na semi magkatapat ang nasa itaas.
Napaisip si Geraldine. Ano ang nakakahiya? Bakit ganoon ang comment ni Miss Vera? At ano ba iyong 'items' daw nila? Subukan daw niya, ibig sabihin, electronic?
Binuksan nito ang silid sa kaliwa nila, "Halika."
May single bed sa far corner, may takip na plain green duvet. Immediate from left of the door, built-in cabinet na sinlaki rin siguro ng kama . Sa tabi ng bintana, bandang uluhan ng kama, may rectangular ring mesa--formica. May mga nakapatong na brown boxes, iba-iba ang laki. May nakabukas at nakikita niya ang bubble wrap.
Isang brown box ang kinuha nito sa mesa, mga one inch ang kapal, sinlaki ng kahon ng iPad siguro. May nakasulat na HC3434 sa kahon gamit ang black marker.
Ano itetch?
Binuksan ni Miss Vera ang isang dulo ng kahon. Mula doon, may hinugot na isa pang kahon.
Hot pink ang kulay ng panibagong kahon. May nakatatak na HC sa harap, in gold cursive.
Ah, baka nga tablet, loob-loob ni Geraldine.
"It's really nice." Sabi ni Vera. "Maraming kumukuha nito sa 'kin. I tried it myself, it's awesome." Binuksan nito ang kahon. Flap na magnetic ang takip.
Tumambad kay Geraldine ang laman.
Bikini.
Itim.
Lace.
Highcut.
May ribbon na kakulay ng kahon sa magkabilang gilid. Nakapatong iyon sa black satin na lining.
Sosyal namang bikini ne'to.
"Ang..cute." Comment niya.
"I-try mo na muna." Kinuha nito ang bikini, "Mas better if you'll take off your undies."
"Uh, okay." Kita naman niya, may plastic lining pang nakadikit sa crotch. "Pero..sa bahay ko na lang susukatin."
"Mas magandang i-try mo na ngayon kasi baka mamaya, may diprensya, para mapalitan ko na rin kaagad. Minsan kasi, may malfunction."
"Malfunction?" Wardrobe malfunction ba ang tinutukoy nito? Bikini lang naman iyon, ah?
"Hubarin mo muna ang skirt mo, masyadong masikip."
"O-Okay." Hinagip niya ang kawit ng palda sa likod. Napasubo na talaga siya. Ba't di ko na lang tanungin asan si Prudence? Dahil nagpanggap na siyang...buyer, ampangit na tingnan kung bigla siyang aamin na hindi. Masaklap man aminin, dapat kumunsulta muna siya kay Cade. O hinayaan niyang si Cade ang dumiskarte.
"Iwan na muna kita." Sabi ni Vera nang mahubad ni Geraldine ang palda. "Inilagay ko na 'yung device, you just have to wear it." Lumabas na ito ng silid.
Device?
Kinuha niya sa kahon ang bikini. May kakaibang umbok nga sa crotch niyon. Kinapa niya. Parang plastic-rubber thingy na hugis....hugis...saddle. Ng bike. Miniature version.
High-tech bikini?! Whatever.
Hinubo niya ang panties niya, isinuksok sa bag. Baka kasi tanungin ni Vera kung ano ang masasabi niya sa produkto, mahihirapan siyang sumagot pag hindi niya isinukat. Why it was so important to try the thing on, she couldn't understand. What could possibly malfunction in a pair of lace undies?
She put in on anyway. Medyo nahirapan siya i-ribbon ang mga sides. Pero naaliw naman siya nang matapos.
I feel sexy. Cade, bati na tayo, please.
Nagpo-pose pa siya. Sayang lang, walang salamin sa silid.
Ramdam rin niya ang 'saddle-like thingy' sa pundyo ng bikini. Medyo asiwa. Parang may nakasalpak sa kanya doon na....
Natigilan siya.
"Oh.My.God."
Tarantang inusisa niya ang iba pang kahon sa mesa. Hinawi niya ang bubble wrap niyong nakabukas.
A penis..Well, not exactly a penis. Something...similar. It was attatched to a shiny plastic underwear-shaped thingy with adjustable black straps. Iniladlad pa niya iyon, who would wear this?
Hinagip niya ang isa pang kahon. Leather undergarments ang laman.
Sheesh.
May kumatok. At tumawag, "Geraldine!"
Si Cade.
"Aw, shet." Aniya. "Wait, wait lang--" Hinila niya ang hot pink ribbon ng suot niyang bikini. Nahila naman. Pero hindi nakalas. Dinoble nga pala niya ang buhol.
"Open the door!" Pangungulit ni Cade. "Bilisan mo."
Hinagip na lang niya ang palda at dali-daling isinuot.
Binuksan niya ang pinto, "Bakit ka ba nagmamadali?"
"Lumabas si Miss Vera--" napatingin si Cade sa mesa, "Is that--"
"Oh, yeah. Obviously, 'yan ang sideline ni Miss Vera, or baka 'yung guidance counseling ang sideline n'ya at ito talaga ang business n'ya."
"'Yan ang inorder nating 'items'?" Nagquote-unquote sign si Cade, natatawang ewan. "Dildos?" Nakita ang hot pink box, "What's in it?"
"Uh, bikini." Sagot ni Geraldine. With something inside that's suppose to stimulate me as I move...something like that.
Pero may hinilang black ribbon mula sa satin lining si Cade. Umangat iyon, may compartment pa pala sa ilalim. Naglalaman ng, "Remote?" Sabi ni Cade, kinuha. Para lang iyong keyfob ng kotse, itim rin.
Hindi rin naman sigurado si Geraldine kung remote control nga iyon. O baka iyon ang pamalit sa saddle-like thingy sa crotch niya.
Then she froze.
And quivered.
Her crotch was vibrating.
"Wala naman.....you hear that?" Kunot noo si Cade, hawak ang remote-thingy.
Yeah, Geraldine could hear it. A whirring sound coming from between her thighs.
Her crotch kept on vibrating.
Napa-OH siya, "Shit!"
"Huh?"
"Oh, wow." Oooh. "N-Not wow..i mean...ooooh!" Nanulis ang nguso niya.
YOU ARE READING
Hudunnit Series
RomanceA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...
Untitled Part 21
Start from the beginning
