Chapter12. BLACKMAILER!

Magsimula sa umpisa
                                    

You said “This could be the good life”

Then you said goodbye

Hope that I could get to see you soon

 

Teka muna! Kanta ko talaga yun! Hindi ako pwedeng magkamali! Ginawa ko yun para kay Crush e!

Napabalikwas ako ng bangon.

Sabay tigil ng tugtog.

Panaginip nga lang kaya?

Tipo naman! Gagamitin ko na yung music para sa kanta! Ayos ah! Perfect na perfect ang tono.

“Gising ka na pala! Sa wakas!”

Eh?

Pagtingin ko sa may left corner ng kwarto ko, si..

“Mische?!”

Leshe! Baka nandito pa si Dylan a! Jusko naman! Ayoko matatluhan!

“Wag ka mag-alala, pinaalis ko na sina kuya.” sabi niya habang papalapit sa akin.

“Hoy! Wag ka ngang lalapit sa akin! Napapahamak ako ng dahil sa’yo!”

“Ang arte ng payatot na’to! Ang tagal-tagal mo gumising d’yan.. Ang ganda nito a! Ito na ba yung ginawa mo? Napagtripan ko na lagyan ng music.. Pero di ko sure kung magugustuhan mo.” itinaas niya yung hawak niyang papel, yung kanta ko.. tapos sumalampak siya sa gilid ng kama ko.

Siya yung tumutugtog kanina?! Bakit ang galing naman ata? Seryoso ba yun?!“Bakit mo ginalaw ang mga gamit ko?!”

“Ang damot mo naman! Para tiningnan lang e! May talent ka pala Payatot nuh?Akala ko nagjo-joke ka lang na gumagawa ka ng kanta!” she said that while smiling, no scratch that! GRINNING.

“Sa tingin mo ba magiging kakompitensya ko ang kuya mo kung wala akong talent? Tsaka oo nga pala! Ano namang kabaliwan ang sinabi mo kanina? Hindi ka man lang kinilabutan ha?” naalala ko nanaman yung sinabi niya. We’re together daw?! Dahilan para suntukin nanaman ako ni Dylan, at sa mukha pa!

“Ah.. hehe. Sorry na. Kasi naman wala akong maisip na dahilan e..” parang ang “aaaaaaaaawwkkwaaarrd” niya kumilos ngayon. Hindi yung normal na Pata na kilala ko.

“Kaya ako nanaman ang binala mo? Wala ka ng ginawa kundi ipahamak ako.”

“Eh kasi Vince.. ano e..” ayan.. may nararamdaman akong kakaiba talaga. Tsaka VINCE ha, hindi “PAYATOT”. Ito kung walang MALAKING kasalanan na ginawa sakin maliban sa ginawa niya kanina, may hihinging pabor to e.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon