XVI.

353 37 0
                                    

XVI.

Masakit. Sobrang sakit.

Dama sa loob ng bahay ang pighating dulot ng pagkawala ng ama ni Adrian. Tahimik ang hapag sa muling pagsasama ng pamilya upang kumain ng hapunan. Pagkatapos ng ilang taong paghiling ni Adrian ng katahimikan sa pagitan ng bawat isa sa kanila ay hindi niya inaasahang sa ganitong pagkakataon sila magkakaharap - kung saan may nawala ng isa sa kanila. Napangiti ito ng mapait. Maybe this is the one he's wishing for. A silent atmosphere between him and his brother. Hindi nga lang sa paraang gusto niya.

For weeks after his father's burial, Adrian and his brother became softer to each other. Kung mayroon mang mabuting naidulot ang pagkawala ng kanilang ama ay ang pagiging malapit at matatag ng bawat isa sa kanilang pamilya. After all, they are family. Turn the tables around, family still got each other's back. Maybe they are right. Things really happen for a reason.

"I am sorry." ani ng kanyang kapatid. Adrian's eyes remained on the sight below them, waiting for his brother's continuation. Tahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan ng binata ang kanilang madilim na hardin mula sa balkonahe ng kanilang bahay. And after weeks of grieving, he found the comfort in silence.

"I'm sorry for everything. For making you feel you're not enough. For making you feel you're a bad person. For being an asshole to you and Gwen." Adrian cut his brother's words by his slight chuckle. Hindi na rin naiwasan ni Aldrin ang pagngisi dahil sa reaksyon ng kapatid. Hindi niya lubos akalain na sa gitna ng lahat ng sakit na naidulot niya sa kapatid ay nagawa pa nitong tawanan ang isang bagay na labis na bumasag sa kanya.

"I am sorry for not being a brother to you." Ang huling pangungusap ang nakapagpatigil sa dalawang magkapatid. Hinayaan nilang mamayani ang malamig na ihip ng hangin sa kanilang pagitan.

"And for once, I want to be a brother and a friend to you." Aldrin added, breaking the silence. Isang puting sobre ang pumukaw sa atensyon ni Adrian. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin doon.

"The first time I saw your stares to her, I knew she got your heart. Sabi ko sa sarili ko, 'God, finally! You gave him hope. Akala ko hindi na malulusaw ang galit niya.'" he mockingly laughed, making his brother shake his head. Hindi akalain ni Adrian na mahahalata ito ng kanyang kapatid. He's never expressive when it comes to his true feelings and emotions. All he thought he's an expert at hiding them. Ganoon na lang ba ang naging epekto nito sa kanya? Mas lalo siyang napailing sa sarili. Man, this girl drives him crazy.

"But you see, love can mend your broken pieces. So here, take this and fix your self. Ang pangit mo na." aniya at mas inilapit sa mukha ni Adrian ang sobre. Adrian grunted by his brother's actions. Pilit man niyang iiwas ang atensyon sa pilyong kapatid ay mas lalo naman nitong ipininagsisiksikan ang sobre sa mukha.

"Pabebe mo masyado." aniya bago iniwan ang kapatid sa balkonahe nang sa wakas ay tagumpay nitong maipahawak ang sobre.

"Lasing ka ba?" hindi na napigilan ni Adrian ang pagkibo sa kapatid. Napangisi ito at napailing nang makita ang laman ng sobre.

"Tag me on your photos!" sigaw pa ni Aldrin mula sa loob ng bahay.

---
Adrian eyed her from head to toe. Napangisi ang binata nang makita ang bagong ayos ng dalaga. Malayo ito sa maangas na estilo ng nakasanayan niyang damit. Isang puting above-the-knee skater skirt at off-shoulders na pulang blouse ang damit ng dalaga. Pinaresan niya ito ng puting sapatos at ang buhok ay nakatali sa mataas na ayos.

"Pangit ba?" ani Gaia nang makitang hindi naalis ang tingin ni Adrian sa kanya. Ngumisi lang ang binata sa kanya at naunang pumasok sa kotse. Ni hindi nito inabalang pagbuksan ang dalaga, masyadong nahihiwagaan sa hitsura ng Gaia na kaharap ngayon.

"Salamat, ha?" sarkastikong pahayag ni Gaia nang makapasok sa sasakyan. Napatingin si Adrian sa kanya at nakitang nakahawak ito sa kanyang sentido.

"Okay ka lang?" bakas sa boses ni Adrian ang pag-aalala. Tumango-tango lang ang dalaga at hindi na nag-abalang sumagot. Nagkibit lang ng balikat si Adrian bago pinaandar ang kotse.

***

Living DystopiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon