Chapter 12 - Papa

Start from the beginning
                                    

Kahit ganoon, hindi pa tapos si Vince.

"Karissa, bakit hindi niyo sa akin sinabi? Bakit hinintay niyo pa magkaganito?!"

"I'm so sorry, Vince. Ngayon lang din namin nalaman kay Ciara. At nakiusap siyang hindi muna sabihin sayo dahil natatakot siyang hindi mo sila panagutan."

"BAKIT KO NAMAN HINDI SILA PAPANAGUTAN?! THAT'S MY BABY!"

Ramdam ko ang galit ni Vince at takot. Malamang dahil mag-ina niya ang nasa loob ng emergency room. Wala na rin nakasagot sa sinabi ni Vince dahil pumunta na lang siya sa emergency room at kami, heto nakaupo na lang sa tabi habang naghihintay ng balita galing sa doctor.

"Kin, huwag mong gagawin din ang ginawa ni Ciara. Promise me."

"Huh?" Anong sinasabi nitong si Marion?

"Don't ever keep from me if you're pregnant." Paano ko naman sasabihin sa kanya na buntis ako kung siya mismo ayaw na mabuntis ako. Ano? Para pag nalaman niya, hihiwalayan na niya ako agad?

Magtatanong sana ako sa kanya tungkol sa narinig ko kanina pero hindi ko natuloy dahil bumukas na ang pinto ng emergency room at lumabas na ang doctor ni Ciara, kaya napatakbo kami agad sa doctor para malaman ang kalagayan ni Ciara.

"Doc, ok na ba ang mag-ina ko?"

"Yes, Mr. De Vera. They are safe now."

Para kaming nabunutan ng tinik sa narinig namin. Thank you po Lord.

"Mr. De Vera, can you give me a minute to talk with you in private? I need to give you the do and dont about Ms. Salido's pregnancy."

"Sige po, Doc."

Nagpaalam na rin kami kay Vince since hindi rin naman namin puwede makita ngayon si Ciara dahil kailangan na niya magpahinga. Umuwi na muna kaming lahat at babalik kami sa ospital bukas para dalawin si Ciara.

Pagdating na pagdating namin sa bagong bahay namin, dumiretso na kami sa kwarto namin. Gusto ko man magtour dito sa napakalaking kwarto namin pero hindi ko na rin magawa dahil na rin sa pagod.

Si Marion, pagkabihis niya, humiga na rin siya sa kama namin at nakapikit agad ito.

"Kin." Akala ko tulog na itong isa. Nakita kong tinap niya ang space sa tabi niya. Isa lang ibig sabihin niyan, tumabi na ko sa kanya.

Ginawa ko naman dahil gusto ko na rin magpahinga. Pagkahiga ko, niyakap niya ko agad.

"Kin, I'm excited to have our little Marion and little Karissa." para siyang batang excited sa isang bagay.

Pero, teka ano daw?! Akala ko ba ayaw niya ko mabuntis? Tapos ngayon excited siya? Ano ba talaga ang gusto mo Marion Gatcheco-Gotiangco!

Hay, magtatanong na sana ako sa lalaking nakayakap pero hindi na rin makakasagot ito. Dahil rinig na rinig ko na ang hilik niya.

Bago pa ko makatulog, bigla kong narinig na tumunog ang cellphone niya. Sino naman kaya itong nagtext sa kanya?

Kinuha ko ang cellphone niya sa side table namin at binuksan ang cellphone niya. Yup, wala pong passcode ang cellphone niya kaya kahit sino mabubuksan ang phone ng taong ito.

Number lang ang nagtext sa kanya.

Text: 09xxxxxxxxx

Papa! I really miss you! :(

Papa?!

********************************

Thank you again Ayers! Buhay pa si Ms. A, don't worry. Kaya sa mga nagtatanong kung patay na si Ms. A, buhay na buhay pa po ako. Sadyang busy sa work si Ms. A.

I just want to share something and i want and hopefully, everyone can take this seriously. Some of you, treat a depression of other people is just a simple matter. Depression of other people is not just a simple matter and some people cannot be able to handle it properly. Kaya if you know someone that is struggling on depression, please do reach out to them because depression cannot be fight by person alone.

And for those others that took a depression just a joke or just because it will make you trendy then please stop it. or please stop pretending having it and be thankful to your self because you did not have that kind of sick.

For those people that struggling with depression, please do not keep it yourself. As much as possible, reach out to your close friend or it would be better to your family. Please let them help you. Do not lose hope. You can reach out to me. I'm just a one message away, kahit anong busy ko. I will give my time for you.

Because our life is very important.

- Ms. A

(Condolence for the SHAWOLS and for those people who lose their someone due to depression)

FB: MISS.A08

KAKAOTALK: MissA0309

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now