Chapter-1

42 1 0
                                    

Tinignan ko ang paligid ko, at sinabi sa sariling nasa pilipinas na nga ako. Mainit, mausok, traffic. ganon pa rin at walang pinag bago. Pati tong airport wala pa rin pinag bago. worst airport nga daw sabi nila.

Lumingon-lingon ako, baka sakaling matigilan ng mata ko yung sundo ko. Medyo naiinis na rin ako kase sinabi ko naman sa sundo ko kung anong oras ang dating ko. huminga ako ng malalim at hangga't maari gusto kong ikalma ang sarili ko. Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Si kuya.

"Hello" Sabi ko habang pinipigil ang inis ko. 

"Hello Melody, baka ma late ako ng sundo. traffic kase eh. rush hour naman kase yang dating mo

" sabi ni kuya na medyo inis na rin dahil siguro sa traffic sa daan. 

"O sige, tawagan mo nalang ako pag malapit ka na." Sagot ko. alam ko naman na parehas kaming naiinis ngayon. at hindi magandang sabayan ko ang mood niya dahil hindi lang kame mag kaka ayos.

Dumertso ako sa pinaka malapit na kainan. Ayoko naman munang mag lunch dahil alam kong yayain ako ng kuya ko at ayoko siyang tanggihan dahil ngayon nalang ulit kame nag kita. 

Naisipang kong mag kape muna dahil napapagod na rin ako. masyadong mahaba ang biyahe at may jet lag pa ako. pumasok ako sa isang coffee shop, mabuti nalang at hindi masyadong matao kaya maraming bakanteng pwesto.

Umupo ako don sa may gilid ng bar counter, yung lugar na hindi mo masyadong kita yung labas. Gusto ko kase ng tahimik na pwesto, yung wala akong masyadong titigan. Umorder ako ng isang simpleng mainit na kape. hindi frappe hindi ice jelly coffe. isang simpleng kape at isang slice ng chocolate cake.

Kumain ako habang nakikinig ng kanta, naisipang kong buksan yung social media accounts ko, gusto kong malaman kung ano bang nag bago nung panahong wala ako.

Inactivate ko ulit yung account ko sa facebook at twitter. binista ko yung profile ng mga kaibigan ko. Wala ni isa sa kanila ang may alam na andito na ko. Umalis ako ng walang paalam at hindi sinabi kung nasan, darating din ako ng walang paalam at hindi sasabihin kung nasan.

Napangiti ako ng makita ko yung bestfriend ko kasama ang boyfriend niya. masaya akong nakahanap siya ng taong mag titiis sa ugali niya. at masaya ako dahil masaya rin siya.

Nag ring yung cellphone ko at napalitan yung screen ng mukha ng kuya kong tumatawag. dali kong sinagot yon "Asan ka na?" walang emosyon kong sabi. 

"andito na ko bilisan mo at baka ma traffic ulit tayo pa balik" sagot niya na may halong saya. Kahit naman ako masaya na makikita ko na ulit ang isa sa taong umintindi sakin nung panahon na alam niyang kaylangan ko ng isang tao ng kayang mag bigay sakin nang lakas.

Bumalik ako sa dati kong pinuntahan at nakita ko yung kuya kong kumakaway sakin. Napangiti ako dahil nakakatuwang makita siya masya, binilisan ko ang lakad ko at niyakap siya.

Mahigpit na yakap, Yakap na nag sasabing bumalik na nga talaga ko. at sisimulan ko na ang panibagong buhay ko

Secret Melody.Where stories live. Discover now