Chapter 01 (MEET HER)

12.3K 248 3
                                    

SHE'S POV



Last year lang ng iwan ako ng lola ko, kailangan kong kumayod para mabuhay, kaya naman huminto na ako sa pag aaral.



Nag wowork ako sa isang cake shop dito sa syudad, ipinasok lang ako ng kaibigan kong bakla na si Poma.



Alam nyo ba kung ano ang pinaka nakakainis kapag mahirap ka?



Bumangon na ako mula sa banig na tinutulugan ko, lumapit ako sa bintana at binuksan ko ito para makita ko ang haring araw.



Ang kaso may dalawang building na nag lalakihan sa pagitan ng munti kong bahay. Mahirap lang ako kaya nakakainis ang ganito di ba?



"Nakakainis na talaga tuwing umaga!!!!!!!!!!!!!" malakas kong sigaw.




Sa totoo lang palagi ko iyong isinisigaw tuwing umaga.



"Heyyy!!!!!!!!!!!!!!!" boses ng isang lalaki.



Lumingon lingon ako sa buong paligid pero, wala akong nakita na ibang tao.



"Dito ka sa itaas tumingin."



Sa 2nd floor, sa ikatlong veranda.


Natulala ako sa lalaking naka tayo dito.



Sapat na bang sabihin ko na isa syang napaka tikas na prinsipe.


At sa ibaba nya ay nakatingin ang isang ambisyosang pulubi na katulad ko..



"Alam mo bang hindi lang ikaw ang naiinis tuwing umaga? Alam mo rin bang ikaw na ang nagiging alarm clock ko tuwing umaga, dahil dyan sa pag sigaw mo."



"So.......... Sorry ho..............."



Isasara ko na sana ang bintana ng muli syang mag salita.


The RICH And The POOR (crazy)         ^COMPLETE^Where stories live. Discover now