Chapter 14.5-Blood Moon

994 18 4
                                    

ALDRIN.

Napapikit nalang ako ng maalala ko ang mga bagay na ginawa ko kagabi.. Alam ko wala na kong magagawa..Si Kai talaga ang mahal ni Aliyah,at hindi ko na pwedeng mabago pa yun..

Tumayo ako sa upuan...Ang totoo maayos na alaga ang mga paa ko..Nakakalakad na ulit ako.. Ang sabi ng mga doktor malabo na daw yun pero hindi padin ako makapaniwalang nakakatayo na ulit ako.. Kahit papano siguro may natitira parin akong kapangyarihan ng isang taong lobo..Kahit katiting nalang siguro meron padin..

Binuksan ko ang TV sa pag-aakalang malilibang ako..Pero napatigil ako sa nakita kong balita..

Blood moon palabukas ng gabi gabi..

Lahat ng tao natutuwa at naghahanda para tingnan ang Blood moon.. Minsan lang itong mangyari kaya abala ang laha.. Kaming mga wolf din naghahanda, pero hindi natutuwa.. Kabilugan ng buwan ito.. At isa pa, kulay pula ang buwan..

Tuwing blood moon, nakakaranas kaming mga wolf ng matinding sakit sa buong katawan.. Pakiramdam namin sinisilaban ang buo naming katawan.. Nanghihina kami at wala na kaming magagawa kundi at bumagsak sa lupa.. Kailangan namin iong labanan kundi, maaari namin itong ikamatay.. Mapanganib din ito sa pillar lalo na kung nagmamahal siya ng isang wolf.. Makakasama din kung may masamang karamdaman ang pillar.. Maaari niya rin itong ikamatay..

Naalala ko si Aliyah.. Pano siya bukas ng gabi?? Gusto ko siyang puntahan para man lang may makakatulong sakanya dahil hindi siya matutulungan ni Kai bukas.. Tao na ako ngayon, kaya hindi na ako manghihina mamayang Blood Moon..

Kring...Kring...

Nakita kong tumatawag si xander.. Sinagot ko ito..

"Hello??"-me

Pero boses babae ang nagsalita..

[Aldrin..Nakita mo ba sila Kai at Aliyah??] -clarisse

"Hindi..Bakit??"-me

[Nagising kasi kami wala si Kai..Tapos nakita din namin si Kuya Jave hinahanap si Aliyah..] -clarisse

"Hindi kaya magkasama yung dalawang yun??"-me

[Yun nga din ang iniisip namin.. Kapag nakita mo sila sabihin mo agad samin..] -clarisse

"Sige sige.."-me

[Ah teka lang Aldrin..May sasabihin pa ko..] -clarisse

"Ano yun??"-me

[May sakit sa puso si Aliyah..Ang sabi nila hindi daw maganda yun dahil Blood Moon bukas..] -clarisse

"M-may sakit siya sa puso?? Sige sige hahanapin ko din sila.."-aldrin

[Sige salamat..] -clarisse

---------------------------------------------------------------------------------------------------

ALIYAH.

Alam kong mali tong ginawa namin.. Pero ito lang ang paraan para magkasama kami ni Kai.. Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya..

Tinignan ko ang mukha ni Kai habang natutulog siya.. Nakasandig yung ulo siya sa balikat ko.. Nandito kami ngayon sa bus at walang eksaktong lugar na pupuntahan.. Bahala na kung saan kami mapunta,basta ang importante sakin ngayon,kasama ko siya..

Bumaba kami sa isang lugar na parang isang malayong probinsiya na... Marami padin namang tao dahil mukhang nababa kami sa bayan ng lugar..Tumingin ako kay Kai na mukhang naghahanap ng pwedeng pagtanungan..

Wolf and Beauty:The PillarWhere stories live. Discover now