Chapter 14.1-Aldrin's Secret

664 11 4
                                    

THIRD PERSON's POV:

Biglang nabuhayan ng loob si Luhan nang makita na niya ang ilog sa harap ng palasyo.. Si Clarisse ay nakahinga ng maluwag dahil mukhang mapayapa sa lugar na iyon..Napakaganda kasi ng itsura.. Panandalian niyang nakalimutan ang mga takot na naramdaman niya sa kakaibang bagay na nakita niya..

Nauna naglakad si Clarisse dahil namamangha siya sa mga nakikita niya..Habang nakatanaw siya ay bigla siyang nakarinig ng kakaibang tunog sa likuran niya..Paglingon niya, nakita niya si Luhan na nakahiga sa lupa at may nakatayong wolf sa tabi nito... Nanginig at nanlamig ang buo niyang katawan dahil mukhang kakaiba ang wolf na ito at hindi pangkaraniwan..

"Kai layuan mo siya!!Wag mong sasaktan si Clarisse!!!",sigaw ni Luhan..

Tumingin si Clarisse kay Luhan na gulong-gulo ang isip..Nagtataka siya kung bakit tinawag ni Luhan ang wolf ng Kai..Tumingin sakanya ang wolf at nag-iba ang kulay ng mata nito.. Halatang galit na galit ito at parang gustong pumatay ng tao..Unti unti itong lumapit sakanya at dahil sa sobrang takot niya,napaupo siya sa lapag at hindi na makagalaw.. Nawalan na siya ng pag-asa,alam naman niyang wala siyang laban dito..Kaya pumikit nalang siya at hinintay nalang na sakmalin siya nito.

Pero napadilat siya ng may narinig siyang parang nag-aaway na wolf. May nakita siyang dalawang wolf na naglalaban at agad niyang hinanap si Luhan. Napatayo siya dahil wala na si Luhan sa lugar kung saan to nakahiga kanina pero nandun ang tshirt niyang suot kanina... Lumakas ang tibok ng dibdib niya... Kinakabahan siya dahil baka kung ano ng nangyari kay Luhan..

Tinignan niya ang dalawang wolf na naglalaban..Naglayo na ito at yung sumugod na wolf sakanya kanina ay nawala na ang kulay ng mata.. Unti unting nag-iba ang anyo ng dalawa at naging tao.. Nanlaki ang mga mata niya pero hindi niya makita ang mukha ng mga ito..

Unti-unting tumingin si Luhan sakanya at pakiramdamni Clarisse ay binuhusan siya ng malamig na tubig..Hindi siya makapaniwala sa nakita niya..

"Clarisse..Magpapaliwanag ako.."-luhan

"I-ikaw...at...at si...Kai..."-clarisse

"Mahirap ipaliwanag Clarisse pero makinig ka sakin,hindi ka namin sasaktan.."-luhan

Tumingin si Clarisse kay Kai..Dahil kanina lang ay muntik na siyang patayin nito..

"Pasensya na Clarisse..Nadala lang ako ng galit ko at hindi na ko nakakilala ng kahit sino.."-kai

Naalala niya ang sinabi sakanya ni Luhan kanina..

"Kung sakali mang may malaman ka ngayon na kahit ano tungkol sakin,,ipangako mong hindi mo ko lalayuan at ako lang ang paniniwalaan mo.."

Nangako siya na paniniwalaan niya si Luhan..Pero hindi niya maiwasang makaramdam na takot kapag naaalala niyang matagal na niyang nakakasama ang mga kakaibang nilalang..

-----------------------------------------------------------------------------------------------

ALDRIN.

"Aldrin..Hindi ka parin ba kakain???"-nina

Umiling si Aldrin..Wala siayng gana kumain dahil nagsisisi siya na umalis pa siya at iniwan si Aliyah.. Bago siya umalis alam niyang siya ang gusto ni Aliyah..Akala niya hindi na magbabago yun, pero nagkamali siya..

Hindi niya alam kung sinong pwedeng sisihin..Kung ang sarili niya ba,si aliyah na kinalimutan na siya at nagmahal ng iba,o nandiyan si Kai kaya siya na ang mahal ni Aliyah..Naguguluhan siya.. Pero wala na siyang magagawa ngayon para ilabas ang saloobin niya.. Tao na siya.. Wala na siyang lakas para ipaglaban ang sarili niya sakali mang gusto niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya kay Kai..

Wolf and Beauty:The PillarWhere stories live. Discover now