Chapter 14.4-Running Away

730 12 3
                                    

CLARISSE.

"Sige..Pinapayagan ko na kayong kumuha ng tubig.."-hari

Nagtinginan si Kai at Luhan..Agad namang kinuha ni Kai ang isang maliit na vial para lagyan ng tubig.. Pero hindi padin mapakali si Clarisse.. Pakiramdam niya may mali.. Imposibleng basta basta nalang silang papakuhanin ng hari ng walang kapalit.. Iba ang pakiramdam ni Clarisse dito..

Hindi naman niya ito masabi kay Kai at Luhan..Dahil halatang magaan na ang loob nila dahil pinayagan na silang kumuha ng tubig..Pagkakuha ni Kai ng tubig biglang napatingin si Clarisse sa likuran nila...

"TAKBO!!!",sigaw ni Clarisse.. Pero nahuli na siya,dahil inatake na ng mga lobo sila Kai at Luhan.. Hindi niya alam ang gagawin niya kaya nagkato nalang siya sa likod ng isang malaking bato.. Pakiramdam niya nananaginip siya; natatakot din siya.. Pero kailangan niya munang makaisip ng paraan para tulungan sila Kai at Luhan..

Tumingin siya sa mga nasa paligid niya.. Kumuha siya ng mga maliliit na kahoy at pinagpuputol ito.. Sinigurado niyang matulis ang bawat dulo ng pinagputulan.. Nang matapos na ito ay tumungtong siya sa malaking bato at isa-isa niyang inihagis ang matutulis na kahoy sa mga umaatake kila Kai at Luhan, at nagiging abo ang bawat matusok nito.. Tumingin sakanya si Luhan at kumindat.. Hindi niya din sigurado kung kumindat ito dahil nakaibang anyo ito.. Nagpapasalamat si Clarisse at magaling siya sa dart kaya kahit papano ay natutulungan niya sila Kai at Luhan ngayon..

Kahit madami na silang napapatay,madami padin ang dumadagdag kaya prang hindi nababawasan.. Hindi din nila sigurado kung nadadagdagan nga ba ang mga ito o nabubuhay lang din agad yung mga napapatay nila..

"Clarisse!!",sigaw ni Luhan,"Patayin mo yung mga lobong malapit sayo at pati yung mga nasa dadaaanan natin paalis dito!!"

"Sige!!"-clarisse

Ginawa niya ni Clarisse ang sinabi ni Luhan.. Pinatamaan niya ang mga malapit sakanya at ang mga dadaanan nila..

"LUHAN!!!"-clarisse

Biglang tumalon si Luhan papunta sakanya at naging tao na ulit ito.. Hinawakan ni Luhan ang kamay ni Clarisse at tumakbo ito sa lugar na walang wolf.. Sumunod naman agad si Kai sakanila at nagtatakbo sila habang nakasunod ang grupo ng mga lobo..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dumating si Kai,Luhan at Clarisse..

Agad agad naman silang nilapitan ni Alexander at Enzo.. Latang-lata silang tatlo at halos hindi na makilala dahil sa sobrang dumi nilang tatlo.. Pinayagan nga silang kumuha ng tubig sa kaharian ng walang kahirap hirap pero naglabas ang hari ng maraming wolf para habulin sila..

Sa sobrang pagod nila,hindi na namalayan ni Luhan na hawak niya padin ang kamay ni Clarisse.. Napatingin si Clarisse sa kamay nilang dalawa at nang mapagtanto ni Luhan na hawak niya parin ang kamay ni Clarisse,agad naman niya itong binitawan..

"Anong nangyari sainyo??Bakit ganyan ang mga itsura niyo??"-xander

Pinakita ni Kai yung maliit na boteng may tubig..

"Baliw ka ba??Pumunta ka dun ng walang kasama.....",napatingin si xander kay luhan,"...na kakampi natin.."

"Wag kang mag-alala..Hindi kami magkasama..Nagkataon lang na nagkita kami dun.."-luhan

"Eh si Clarence??Wala siya dito..Akala namin kasama mo.."-enzo

Napayuko si Kai..Hindi niya alam kung pano niya sasabihin na wala na si Clarence.. At namatay ito dahil sa pagliligtas sakanya..

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon