Chapter 14.1-Aldrin's Secret

Start from the beginning
                                    

Tumingin siya kay Nina..Nagtataka siya kung bakit sinasamahan padin siya ni Nina hanggang ngayon.. Imposible namang nagkokonsensya si Nina sa pagkakalumpo niya ngayon dahil una sa lahat, wala namang kasalanan si Nina..Nandun nga siya pero hindi naman siya ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa lugar na yun..Iyon ay dahil lahat kay Aliyah..

Gusto man niyang magalit pero hindi niya magawa..Wala talaga siyang pwedeng sisihin sa lahat ng nangyari..Tinatanong tuloy niya ang sarili niya ngayon kung bakit si Aliyah pa..

Ngayong isang ganap na tao na siya,pakiramdam niya wala na siyang lugar sa dati niyang bahay.. Pakiramdam niya wala nadin siyang kakampi..Buti nalang nandiyan pa si Nina na kahit papano nakakausap niya at natutulungan siya kapag may problema siya..

"Nina.."

Tumigil ito sa ginagawa niya at tumingin kay Aldrin.. "Hmmm?"

"Bakit hanggang ngayon tinutulungan mo padin ako??Pwede ka naman ng bumalik sa mga magulang mo.."-aldrin

Ngumiti si Nina.."Wala na sila.."

Kumunot ang noo ni Aldrin..Panong wala na??Samantalang nung nasa kagubatan pa sila,laging sinasabi ni Nina na babalik siya para sa pamilya niya..

"Ha??"-aldrin

"Pagdating natin dito,,pinuntahan ko agad sila..Pagdating ko iba na ang nakatira sa bahay namin.. Ang sabi ng bagong nakatira,patay na daw yung dating nakatira dun.. Tinanong ko yung mga kapitbahay namin,at totoo nga..Sila narin ang nagturo sakin kung saan nakalibing sila mama.."-nina

"Sa tingin mo may nangyaring kakaiba???"-aldrin

Tumango si Nina.."Hindi ko alam kung sinong gumawa nito sakanila..Pero sa tingin ko may kinalaman to sa mga kakaibang nilalang.."-nina

"Kaya hanggang ngayon hindi mo padin ako iniiwan??"-aldrin

Tumango si Nina.."Dahil alam kong kaya mo kong protektahan tulad ng ginawa mo sakin nung nasa gubat pa tayo..At tsaka,alam kong pwede kang maging daan para makita ko ang pumatay sa pamilya ko.."-nina

"Tao na ko Nina..Kaya wala ng pakelam sakin ang mga taong lobo..Hindi na nila ko hahanapin kaya malabong makita mo kung sinong pumatay sa pamilya mo kapag ako ang kasama mo..At isa pa, hindi na kita kayang protektahan tulad ng dati..Hindi na ko malakas tulad ng iniisip mo.."-aldrin

"May tiwala ako sayo Aldrin..Kaya mo.."-nina

"Nakikita mo ba tong paa ko??Sa tingin mo matutulungan kita??"-aldrin

"Pero Aldrin,wag kang mawalan ng pag-asa,gagaling pa ang paa mo.."-nina

"Umalis ka na..Nagawa ko na ang dapat kong gawin,naiuwi na kita ng ligtas,kaya hindi na kita kailangan at hindi mo nadin ako kailangan.."-aldrin

---------------------------------------------------------------------------------

KAI.

Hanggang ngayon hindi padin makatingin si Clarisse sakanila ni Luhan ng tuwid.. Umaakto si Clarisse na parang wala lang pero alam ni Kai na nagpapanggap lang ito at ang totoo,may halong takot parin siya..

"Luhan..Bakit ka nandito??"-kai

"Alam mo na ang sagot..Nagtatanong ka pa.."-luhan

"Hanggang ngayon mahal mo padin si Aliyah.."-kai

"Hindi naman madaling mawala yun Kai..Pero dahil nandito ka na,,hahayaan ko ng ikaw nalang ang kumuha ng tubig..Ikaw ang mahal ni Aliyah,,wala na kong magagawa dun,,kahit maging tao pa ko.."-luhan

Inabot ni Luhan ang kamay niya kay Kai.."Totoo na to,simula ngayon,hahayaan ko na talaga kayo ni Aliyah..Basta wag mo lang siyang papaiyakin,kundi babalik ulit ako para kunin siya.."

Nangiti si Kai at kinuha ang kamay ni Luhan..Nagshake hands sila..

"Salamat..Hanggang ngayon,hindi padin nawawala ang turingan nating magkapatid.."-kai

"Syempre naman.."-luhan

"Kai...Luhan..Tingnan niyo to.."-clarisse

Napatayo si Kai at Luhan..

Hindi sila pwedeng magkamali..

Siya ang Hari...

Ang tatay nila Kris,Dexter,at Clarence..

"Nandito kayo para kumuha ng tubig??Ano bang pumapasok sa isip niyo at gusto niyong isakripisyo ang lakas niyo para lang sa isang taong mortal?? Hindi pa ba malala yung ginawa ko sa nagpunta dito nung nakaraan at nagawa niyo paring subukang pumunta dito??"

"Nagpunta nung nakaraan??"-luhan

"Oo..Hindi ba't kapatid kapatidan niyo din yun??"

"Ibig sabihin..."-luhan

"Si Aldrin..Nagpunta dito si Aldrin??"-kai

"Ang babaeng minamahal niyo ay ang Pillar..Kayong dalawa,kahit kumuha kayo ng tubig dito, sinasabi ko sainyo,hindi niyo parin siya makakasama..."

"Anong ibig sabihin nito??Si Aldrin......."-kai

"May gusto din kay Aliyah???"-luhan

Nanlamig ang buong katawan ni Kai...Hindi niya alam na matagal nadin palang may gusto si Aldrin kay Aliyah..At kaya siya matagal nawala ay dahil para pumunta sa kaharian at kumuha ng tubig kapalit ng pagiging normal na tao..

Ngayon naiintindihan niya kung bakit naging malayo ang loob ni Aldrin sakanya ngayon.. Dahil nalaman na niyang iisa lang sila ng minamahal..

Wolf and Beauty:The PillarWhere stories live. Discover now