CHAPTER 7

271 12 0
                                    

~~>>○●○●<<~~
MY BOYFRIEND IS A KILLER
-UNFORGETTABLE DATE
~~>>○●○●<<~~

Mara's POV

Sa pagl-lakad ko patungo sa Green Park ay suot ko ang pulang bestida na dumadampi sa aking mga hita sa lakas ng hangin.

Isang dalawang pulgada na puting sapatos. Simple ngunit kaaya-ayang kolorete sa mukha. Bagsak ngunit diretsong buhok at isang kulay pilak na pitaka--

Tama na nga ang kaka-full tagalog! Naiistress ako!

So ang suot ko ngayon ay red dress na color red na may mahabang manggas siyempre dahil malamig dito sa green park tuwing gabi at para matakpan ang mataba kong braso.

Actually, di naman siya ganon kataba at kalaman pero, basta sakto lang.

Two inches na white shoes na hiniram ko kay Yanna. Wala naman kase akong ibabg sapatos na heels kundi ang pamasok ko.

Magm-mukha naman akong cheap kung yun ang suotin ko! Tsaka di siya bagay sa red dress ko.

Next naman ay isang simpleng pampaganda. Si Ate Carla ang nagmake-up sa akin at sabi kong simple lang.

Ayoko ng lumalavan sa clown! Yung sobrang kapal ba. Magm-mukha akong nanay ng isang sumo!

Ang hawak ko naman ay isang silver purse na hiniram ko kay Ninang Elizabeth.

Secret lang ha, hindi ko talaga hiniram! Si Yanna ang kumuha nito sa kwarto ni Ninang! Okay lang naman daw dahil nasa ibang bansa ngayon si Ninang.

Sumang-ayon talaga sa akin ang kapalaran ngayon! It's my day!

Mula sa kinalalakaran ko ay tanaw ko ang, isang kandila?!

Totoo ba ang nakikita ko? Kandila?! Bakit naman ganon, wala bang spotlight?

Ng papalapit na ako ng palapit ay tanaw ko na ang tabi ng creek. Isang simpleng lamesa?

Parang ang table na ito ay yung nakikita natin na de-tiklop na lamesa kapag may birthday o patay?!

Pinaghandaan niya ba talaga to? Hmmp.

Luminga-linga ako pero di ko siya makita. Nasan siya?

*****

Valdous' POV

Naririnig ko na ang paghinga ng isang nilalang. Nandito na siya. Nakatago ako ngayon sa isang malaking puno.

Siguradong di niya ako nakikita dahil dito at dahil din sa dilim.

Pero bago ko siya pagb-barilin ay tinignan ko muna siya para di ako magkamali.

Sumilip muna ako.

Wow.

Totoo ba ito?

Siya?

Para siyang isang mamahaling gamit na inakit ako.

Bigla ko na lamang binagsak ang dalawa kong baril sa may puno at kusang gumalawa ang aking paa palabas sa pinagtataguan para makita ni Mara.

At nakita na niya ako. Pinilit kong ngumiti. Nang makita niya ako ay ngumiti din siya.

Di ko akalain na ganto siya kaganda. Na sobra niyang sineryoso ang sinabi ko.

Kusa muling naglakad ang paa ko palapit sa kaniya at nang makalapit na ako ay inalalayan ko siya papunta sa table.

Inalalayan ko siyang umupo at saka ako umupo. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

My Boyfriend Is A KillerOn viuen les histories. Descobreix ara