CHAPTER 4

340 11 0
                                    

~~>>○●○●<<~~
MY BOYFRIEND IS A KILLER
-DATE WITH A NOT BRAVE MAN
~~>>○●○●<<~~

Mara's POV

Thanks to God at na-late si Miss. Sabi niya ay mamayang twelve noon daw siya makakapasok. Salamat naman kung ganon.

Makakaligtas ako sa sermon niya kahit ilang oras man lang. At dahil wala nga si Miss, ako muna ang boss!

Napag-interesan ko ang kaniyang swivel chair. Dito madalas maupo si Miss at dito din laging nagb-bunganga.

Dali akong naupo doon at iniba ang aking eksperesiyon. Naging masungit ang mukha ko.

"Ikaw! Bakit hindi mo na naman nagawa ang paper files na pinagagawa ko?! Argh! You're fired!" pag-arte ko bilang si Miss.

Bagay pala sa akin ha! Kung ako na lang kaya ang maging boss? Chos. Hindi naman yun pwede.

Habang nagp-paikot ikot ako sa swivel chair ay nagring ang phone ko. Tinignan ko ito. May nagtext pero number lang.

"Sino to?" binuksan ko ang text message.

Unknown Number
Hi. Ang ganda mo. Siguro habang binabasa mo ito ay naka-ngiti ka.

Aba, tama nga ang sinabi nito. At nagtext uli siya.

Unknown Number
Siguro nabitin ka, sorry ha,
wala kasi akong alam na jokes.
Hehe.

Sino ba ito? At napag tripan ako?

Sino ka?

Unknown Number
Sabihin na nating may
Pagtingin sayo.

Hala siya, sino to?! May nagk-crush sa akin? Wews. Sa mukhang to? Sa mukhang espasol na chinese? Tss.

Di ko muna pinansin ang mga text niya. Nang mapansin kong paparating na si Miss ay dali akong tumayo sa swivel chair niya.

Pagbukas ng glass door ay ginreet ko siya.

"Good morning, Miss," bati ko.

"Walang maganda sa umaga ng tulad ko kaya kung ayaw mong ma-fire, DONT GREET ME!"

"O-opo," ayan, nagsusungit na naman siya. Huhu help me!

At salamat sa Diyos at uwian na! Buti na lang at walang masyadong inutos si Miss like bumili ng coffee sa starbucks at alanganin lagi ang oras na binibigay niya. Tss.

Hanggang sa pagdating ko sa bahay ay text ng text ang unknown number kanina. Ang kulit nito! Siguro si Isko ito! Tss.

"O, bakit ata mukhangbad mood ang bunso?" tanong ni Ate Carla na nakaupo sa sofa at nanonood ng balita.

"Eh ate," naupo ako sa tabi niya. "Mayron kasing unknown number tapos text ng text sa akin," sagot ko.

"Eh baka si Isko lang iyon. Alam naman nating patay na patay sayo yun. I-block mo," saad ni Ate Carla.

Pero parang may nags-sabi sa akin na huwag kong i-block. Ewan ko ba pero di ko magawang i-block.

Di ko na lang pinansin at saka nagpunta sa kusina para kumain ng hapunan.

My Boyfriend Is A KillerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora