CHAPTER 6

272 10 0
                                    

~~>>○●○●<<~~
MY BOYFRIEND IS A KILLER
-SAVED BY VALDOUS AGAIN
~~>>○●○●<<~~

Mara's POV

Sa takot ko ay napaatras ako. Di ko alam kung bakit di ko magawang tumakbo gayong dire-diretso lang naman ang tatakbuhan ko at siguradong makaka-hingi na ako ng tulong.

Lord, palakasin niyo po ang loob ko!

At eto na, dali akong tumakbo palayo sa kanila. Walang lingon-likod ay sige lang ako sa pagtakbo pero rinig ko ang yabag ng kanilang mga paa.

Pero walang nagawa ang pagtakbo ko. Naabutan nila ako. Kaya sinaboy ko sa isa sa kanila ang mainit na kape na pinabili sa akin ni Miss.

Nasaktan ang isa oo, pero ang isa ay nanatiling nakahawak sa magkabila kong braso.

"Bitiwan niyo ko! Argh! Tulong!"

Pero kahit anong gawin kong pagp-pumiglas at pagsigaw ay walang nangyayari. Masyado pang malayo ang kalsada mula rito.

"Wag ka nang masyadong maarte," sabi sa akin ng may hawak sa akin.

"Hayop ka! Buti na lang at di masyadong mainit ang kape! Grr," nagg-galaiting wika ng sinabuyan ko ng mainit na kape.

Akma na sana akong hahalikan ng mabahong lalaking amoy kape na to ng may sumipa sa kaniya.

"V-Valdous?!"

Nagsuntukan sila nung mabahong amoy kape na lalaki. Kita sa laban namas magaling si Valdous at kahit anong suntok at sipa ng lalaki ay naiiwasan ni Valdous.

Habang ang suntok at sipa naman ni Valdous ay laging sinasalo ng lalaki.

Hanggang sa mapatumba na niya ang lalaki at sumuko.

Nang tinitigan naman ni Valdous ang lalaking may hawak sa akin ay ramdam ko ang tibok ng puso niyang napaka-bilis.

At nang akmang lalapit si Valdous ay napatakbo ang lalaking may hawak sa akin at binitiwan ako.

Nang balingin ni Valdous ang isang lalaking naka-higa sa kalsada ay nagt-takbo ito kahit na kita sa katawang nanghihina siya.

"Mga duwag, mga duwag!" sigaw ko sa kanila.

Nang tuluyan silang makalayo at mawala sa paningin ko ay binaling ko na si Valdous.

"S-salamat," tila may ibang utak na kumokontrol sa akin at bigla ko na lamang niyakap si Valdous.

Ang lambot ng chest niya. At ramdam ko ang muscles at abs niya! Argh!

"S-sorry," naramdaman kong naaakward siya kaya kumalas na ako.

"Mamaya ha. I'll text you," umalis na siya.

How sweet and gentleman! If I could wish that he is the man of my life.

Tama na nga iyan Marang mukhang chinese na espasol! Teka,

"ANG KAPE NI MISS!"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now