PROLOGUE

1K 27 1
                                    

~~>>○●○●<<~~
MY BOYFRIEND IS A KILLER
~~>>○●○●<<~~

Dahan dahan ako sa paghakbang paatras sa aking mga nakita. Mula sa bintana ng apartment na nirerentahan ni Valdous ay kita kong mayroon siyang iba't-ibang uri ng mga... BARIL!




Mayroon din doong saw na nakalagak sa isang parahabang frame. Ang katakot takot doon ay duguan ito!


Sa gitna ng isang pader ay may isang malaking frame na may mga naka-pin na litrato ng kung sino-sino. Babae at mga lalaki.




Pero may isang litrato akong nakita na di ko kayang mawari na totoo ba. Nasa pinaka-gitna ito kaya pansin kaagad dahil malaki ito at halos sakop na ang buong frame.




Ako ito. Ako ang nasa... LITRATO!




Nakasulat doon sa litrato na kulay pula ang ink. 'Ikaw na ang susunod.'




Sa kakaatras ko ay may naka-sangga ako lalaki at ako ay natumba ngunit salamat sa Diyos ay nasalo niya ako.




Pero, ng makita ko ang lalaki na ito ay takot ang nadama imbis na matuwa.




Mabilis ang tibok ng aking puso. Di ko alam ang aking gagawin. Dapat ba akong tumakbo o hampasin siya ng aking bag.




Nagpapawis na ako sa kaba. Katakot takot. O Diyos ko, ito ay si...




VALDOUS!

~~>>○●○●<<~~
to be continued...
~~>>○●○●<<~~

My Boyfriend Is A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon