Part 15 of Chapter 1

2K 46 1
                                    

"Alam mo ba kung anong nag-iisang ninanais ng puso ko ngayon?"

"Ano 'yon Justin?"

"Ang makita ka Raven."

"Gusto mo akong makita?" sa pagkakasaad niya ay tila alam nito kung papaano.

"Okay lang ba na mahawakan ko ang mukha mo?"

"Oo naman... at saka hindi lang naman ito ang mahahawakan mo mamaya...." he said like teasing me.

"Ikaw ha, hehehe..." Napangiti ako at napatawa. I like his humor.

Inilapag niya ang hawak na violin sa mesa, hinawakan niya ako sa aking baywang kaya napahakbang ako ng isa at nagkadikit ang aming katawan habang siya'y nakatitig sa aking mga mata.

Inangat niya ang kanyang mga kamay at hinubad ang aking salamin.

"Your eyes.... so gorgeous.... ngayon ay makikita mo na ako, Justin...."

Inilapag niya ang aking eyeglasess sa mesa. Kinuha nito ang aking mga kamay.... dahan-dahan niyang inangat ang mga ito patungo sa kanyang pisngi, at dito ko na siya marahang hinawakan sa mukha.

Ramdam ko ang init ng kanyang hininga pagdapo ng una kong daliri sa matangos niyang ilong... Napapangiti siya sa paghaplos ko sa magkabila't malambot niyang pisngi, at kasabay nito'y damang-dama ko rin ang mapupula at malambot niyang labi....

"Siguro, kaysarap halikan ng mga labing ito?" tanong ko sa aking isip... natigil ako sandali dahil gusto ko pang damhin ang mga ito.... and I'm already imagining, na ang maiinit na labi ni Raven ang unang makakahalik sa aking mga labi....

"Ano kaya ang pakiramdam ng unang halik?" ang ikalawang tanong ko sa aking isip. Dahil para sa isang bulag at baklang kagaya ko.... ay wala pang kahit sino ang nagtangkang halikan ang mga labi kong ito.

At napangiti rin ako nang madama ko ang magkabila't malalim niyang mga biloy...

"Siguro andaming nahuhulog sa killer smile mo?" nabigkas ko at mas napangiti siya... Dumako ako sa kanyang perfect jawline at umakyat sa bandang patilya niya hanggang sa matunton ko ang makakapal niyang kilay at madama ang mahahaba niyang pilik mata nang siya'y pumikit.

Nang muli kong ibaling ang mga kamay ko sa kanyang pisngi, kasabay ng malamig na paghampas ng hangin ay bigla kong naramdaman ang pagdampi ng mainit niyang mga labi sa aking mga labi... 

Napapikit ako... parang tumigil ang oras..... hanggang maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga labi..... tumulo ang mga luha ko... at mainit kong tinanggap ang kanyang mga halik.

Raven Oya-oy..... mahal na kita.



To be continued.....

HAIYANWhere stories live. Discover now