Part 14 of Chapter 1

1.6K 43 1
                                    

"Pasensiya na Raven, naging emotional tuloy ako... para mo kasi akong hinaharana... wala pang gumawa nito sa akin...."

Hindi siya nagsalita, hinawakan niya ako sa magkabilang braso at muling niyakap.

"Hindi mo ba alam na bulag din ako?" bigkas ni Raven nang gantihan ko siya ng yakap. Napalitan ng ngiti ang pagiging emotional ko at napatawa sa sinabi niya.

"Hindi ako nagbibiro...." aniya sabay harap sa aking mukha. Kahit hindi ko siya kita ay alam kong titig na titig ito sa aking mga mata.

"Sorry... Uhmmm... Paano mo masasabi na bulag ka?"

Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking mukha, halos dumampi na ang kanyang labi sa aking labi. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pagdapo ng kanyang kamay sa aking kamay at ang paggalaw ng kanyang hinlalaki sa aking balat.... at saka niya ibinulong sa akin ang mga katagang ito, "I am gender-blind... Actually, I'm Pansexual..."

I find his voice so sexy when he said those words... he is like seducing me. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.

Nagulat ako sa rebelasyon ni Raven, para ba akong nabuhayan ng loob... nagagalak ang puso ko, "may pag-asa ako sa kanya," sa isip ko.

"Akala ko straight ka..." bigla kong nasabi.

Pansin ko ang pagngiti niya.

"Though I prefer more women but I'm not limited in sexual choice with regards to biological sex, gender, or gender identity kaya huwag mong iisipin na hindi kita magugustuhan..."

"And I can be attractive for you?"

"Yes... and I find you attractive... I'm dead serious when I said you are handsome..." his sensual words... at saka niya inangat ang aking kamay at hinalikan ito. "I like you Justin..."

Gustong-gusto ko nang mahulog sa kanya, ngunit nakatatak na sa isip kong hanggang sa gabing ito ko lang makakasama si Raven.

"Even if I'm blind and gay?"

"I said to you... I like you Justin, ang pagiging bulag mo ba ang hahadlang sa akin para magustuhan kita?? Hindi...."

HAIYANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon