Part 1 of Chapter 1

3.8K 66 12
                                    

Tacloban City, Philippines

November 6, 2013

08:45 PM

"Sino 'yan???" bigkas ko sa taong kumakatok sa may pinto. Narito ako sa isang lumang hotel, nagtatago. May mga masasamang taong gustong kitilin ang aking buhay para sa pansarili nilang kapakanan at dahil na rin sa pagkaganid nila sa pera.

"Si Raven ito, ang ipinadala ni Miss Hazel..." ani ng binata sa labas. Malalim at lalaking-lalaki ang kanyang boses.

"Si Raven Oya-oy na ba ito?" sa aking isip, nabuhayan ako ng loob dahil ang akala ko'y hindi na ito darating pa. Kinabahan pa ako dahil ang akala ko'y isa sa mga tauhan ng aking tiyahin ang lalaki sa may pinto. Napanatag ako nang marinig kong si Raven Oya-oy na ito, ang lalaking magpapaligaya sa malungkot kong gabi.

Bumilis ang pintig ng puso ko at nakaramdam ako ng kaba dahil sa buong buhay ko, ngayon ako unang makikipagtalik.

Ako nga pala si Justin Romualdez, 21 years old turning 22 on December, a native of Tacloban City... and the guy outside is Raven Oya-oy, 23 years old from Baguio City. He is not a callboy or a gigolo kaya pumayag siya para sa gabing ito.

And he is here for a one night stand with me dahil sa napagkasunduan nila ng kaibigan kong si Hazel.

Gwapo talaga kaya siya?

Matangkad?

May pagka-moreno?

At maganda ang katawan?

Ito ang mga katanungang naglalaro sa aking isip ngayon, na siyang nagpapaalab ng matindi kong pananabik sa kanya.

Dahil ito ang mga pisikal na katangian ng isang lalaki na gusto ko...

HAIYANWhere stories live. Discover now