Part 9 of Chapter 1

1.6K 46 1
                                    

Napakagat labi tuloy ako sa sinabi niya, wala na rin akong pakialam kung anong iisipin sa akin ni Raven dahil matinding pananabik ang tanging nararamdaman ko na sa kanya ngayon...


"Uhmmmm, sabi sa akin ni Hazel, dapat itinabi mo na lang daw ang pera mo para sa operation at pagpapagaling mo sa mata pero mapilit ka parin daw na i-donate sa orphanage ang kabuuan ng natatanggap mong pera from your Father's pension."


"May sapat pa naman akong ipon at saka hindi ko magagamit lahat ng mayroon ako kaya mas mabuti na magbigay rin ako kahit papaano."


"Actually, I'm excited to meet you noong isang araw pa... medyo na busy lang kami sa paghahanda sa pagdating ng super typhoon," aniya.


"Kamusta pala ang paghahanda? Okay na ba? Malapit pa naman ang dagat sa orphanage..."


"Iyon nga baka, magkaroon ng baha o storm surge kaya naghanda na kami."


"May sapat na pagkain at tubig na rin ba?"


"Yup... Subalit, hindi pa rin ako mapalagay kaya babalik pa rin ako doon bukas."


"Eksakto dahil may ipinabili ako para sa mga bata, ipapadala ko na lang ito sa'yo."


"Sige... Uhmmm, Justin....." bigkas nito, ramdam ko ang pagkaseryoso sa tinig niya.


"Ano 'yon?"


"Walang halong biro.... Alam mo bang matagal na akong may paghanga sa'yo?"


Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko. At para sa isang kagaya kong may kapansanan na hindi pa nakakaranas ng ganitong ganap—hindi ko naikubli ang mapangiti sa harap ng lalaking ito, ngiti na may halong kilig at pagkagalak.


"Bago pa kami magkakilala ni Hazel, kilala na kita..." aniya.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, natanong ko ang sarili ko kung bakit niya ito nasabi, "Papaano niya ako nakilala?" sa aking isip. At heto na ang kanyang saad.


"Kahit naging napaka-discreet mo sa ginawa mong pagtulong sa foundation namin sa Baguio, inalam ko parin kung sino ang may mabuting puso na nagbigay ng napakalaking halaga para sa mga special child namin sa orphanage... Si Henessy, your cousin is one of our volunteers before and fortunately, isa na siya sa mga social workers namin."


"Ang pinsan kong nag-aaral sa Baguio before, pero wala akong idea na sa inyo na pala siya ngayon associated... and I'm glad to hear na parte siya ngayon ng orphanage niyo sa Baguio."


"Paulit-ulit ko nga na pinapanood 'yong video clip na ginawa niyo ni Henessy para sa mga bata, I always watch it during Christmas."

HAIYANOù les histoires vivent. Découvrez maintenant