FAQs and FYI

2.1K 41 9
                                    

Hi! Bago ko muna ipost ang ending, kailangan nyo muna itong mabasa. KEKEKE. Basahin nyo ah! Sasagutin ko dito ung mga katanungang ni-comment nyo. After nito, pwede pa naman kayong magtanong. Gagawa nalang ulit ako ng bago. Hehehehe. 

So hindi naman ganung kadami ang mga katanungan kaya madali lang toh. Hehehe.

FAQ's

1. "Author, may kasunod pa bo ito?"

Wala nang book 2 ang MBBF. :D

2. "Magkakaroon pa ba ng panibagong love story si Kylie pagkatapos mamatay ni Rev? I mean, years after Rev died."

Hindi na. Ayoko nang pakelaman ang buhay ni Kylie. Hahaha. Tsaka masyado kong mahal ang love team na RevLie para bigyan pa ng bagong ka-ship si Kylie. LOL.

3. "Pwede po bang magkaroon ng miracle? Like hindi nalang mamamatay si Rev."

Miracle is a good thing pero mukhang hindi magbeblend nang tama sa story. Leukemia is a terminal disease. Meaning, wala nang cure. Treatable pero hindi cureable.  Parang ang weird naman na bigla syang gagaling kahit sobrang hina na nya. o.o

4. "Kung mamamatay man si Rev, paano na si Kylie at ung baby? New leading man na?"

Paano na si Kylie at ung baby? You'll see at the end. Kekeke~ New leading man? No. :)

5. "Gaano po kaganda ang katawan ni Rev?"

Well-built ang katawan nya. Hindi bulky pero may abs, may muscles din. Para sa nagtanong neto, trust me, nahawakan ko na un. Hahahahaha. Scale from 1-10? Uhmmm... 11. Hahhaha. XD

6. "Magkaka-developan po ba si Kristelle at Enzo?"

Gusto nyo? Hahahahahahahaha.

7. "Magiging tunay na lalaki ba si Enzo?"

Sa kanya sana gumana ang mirakulo. Hahahaha. 

So ayan ang mga FAQs na gusto nyong masagot ko. Hahaha. Dun sa mga may gusto pang itanong, pwede pa kayong humabol. I-tweet nyo nalang ako kung sakalaking may mga katanungan pa kayong nais nyong masagot ko sa pagtatapos ng istoryang ito. Eto nga pala ang twitter ko: (external link)

Para naman sa FYIs, magsheshare ako ng facts about this story and about the like kung gusto nyong makaalam. Para bang facts ito. Hahaha.

FYIs.

1. Sinimulan ko ang pagsusulat ng MBBF last year. Sinusulat ko muna un sa filler or sa binder. Sinimulan ko un ng April 8, 2013 sa binder then saka ko pinost ang chapter 1 weeks after matapos ung SUTR ko.

2. Hindi fan fiction ang MBBF. May mga nagkakamali kasing fan fiction daw ito ng Miss A and EXO. Ginamit ko lang si Suzy and Kai para mas maimagine ko ang characters. Nung una ko kasi sinulat ang MBBF, wala akong napipicture sa isip ko kung sino si Kylie o si Rev. Pero dahil sakto sa character ni Suzy ang pagiging palaban at bagay din naman kay Kai ang pagiging isang bully. Hahaha. Wala lang, sa kanila ko lang talaga nakita un.

3. Yung ibang pangyayari dito ay hango sa totoong buhay pero wala dito ang karanasan ko. Hahaha. Oo, may best friend ako na lalaki pero ako ang bully samin. LOL. Hindi, parehas kaming bully. Hahahaha. Mga experiences toh ng mga kaklase ko kapag nagkekwento sila sakin. Halo-halo yan. Pinahaba ko lang.

4. Titignan ko pa kung mamimigay ako ng soft copies. Pero mabait naman ako kaya magbibigay ako. As long as hindi nyo inaabuso at kinokopya, mamimigay ako. ;) 

5. Ipa-private ko ang EPILOGUE. Don't worry, magbibigay naman ako ng instructions and such para ma-view ninyo. Na-discuss na natin ang about dito so sana walang katanungan.

6. MBBF has 75 chapters only so that means, ang ibig sabihin, ending na ang kasunod neto. Hindi ko iyon ipaprivate, don't worry.

7. May upcoming story ako after neto. Pero syempre, pahinga muna dahil hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapag-ayos ng form para sa college. Hahahah. Magkokolehiyo pa po ako. XD

8. (Kahit walang kwenta), in coming 4th year highschool ako nung sinulat ko ang MBBF. At kahit nakagraduate na ako, hindi ko pa rin tapos dahil matatapos pa lang ito.

9. Wala na pong side story sina Kristelle and Enzo at sina Kona and Jared. Basta ikakasal naman yang si Kona at Jared. Kayo na ang bahala sa ending nina Enzo and Kristelle. Hahahaha.

Bago ko sabihin ang FYI number 10, gusto kong magpasalamat senyong lahat sa walang humpay na pagsuporta sa storyang ito. Lubos talaga akong nagagalak bilang isang manunulat ng isang kwentong pumatok sa inyo. Sana forever nyong maalala si Kylie, Rev, Jared, Kristelle and Enzo kahit muhang ewan itong storya kong ito. Kahit muntikan na akong mawala sa plot. XD

Sa gitna ng aking writer's block, salamat sa pag-iintay ng UDs kahit mahaba o maikli. Kahit wala nang kwenta ung isang UD, nag-a-update pa rin kayo. 

Hindi ko muna LAHAT sasabihin dito ang mga acknowledgments ko dahil may AN pa ako after ng epilogue. Hahahhaha. Save the best for last. XD

So, for the last FYI number 10:

"I am a unicorn and I love rainbows."

Proceed to MBBF Final Chapter

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon