Tree Sapling

1.1K 64 5
                                    

"Sleepover with your friends?" I bobbed my head to answer her question, hindi ko magawang tingnan ang kausap ko dahil abala ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.


Umupo si Val sa'king kama para ako ay tabihan. Nagulat ako nang bigla niya na lang nilapit ang mukha sa akin para muling magtanong. 


"Ibig sabihin kasama mo si Rupert?" Namilog ang mga mata niya. 


Nilagay ko ang aking hintuturo sa labi. Sinenyasan ko siyang tumahimik na kanyang sinunod. 


"'Wag kang maingay." Nagpatuloy ako sa pagtiklop ng mga damit. "Hindi pa ako nakakapagpaalam kay tita."


"Gusto kong sumama!"


Ngumisi ako sa mga salitang lumabas mula sa kanyang labi. Kahit anong klase pang pagpupumilit ang gawin niya, hindi siya maaaring sumama sa amin.


"May kailangan kaming ayusin na requirements and performances, mabobored ka lang do'n."


"Ako? Mabobored? To think na nandoon si Rupert? Malabo! Sama mo na 'ko!" Ikinawit niya ang braso sa akin at nagpa-cute.


"Val, hindi kami magsi-sleepover para magsaya. Ang totoo na'n, maghihirap kami," makahulugan kong sambit na binaliwala ni Valerie. 


"Okay lang! Sasamahan ko kayong maghirap, alang-alang sa pag-iibigan namin ni Rupert." Pinaglihi ata sa kakulitan ang babaeng 'to. "Makisama ka naman sa akin, Nadz, oh!"


Tinawag kami ni tita Carmela para kumain ng hapunan. Tulad ng palagi kong nadadatnan, kami na lang ni Val ang hinihintay nina tita sa hapag.


Walang imik kaming umupo para daluhan sina tita, dahilan para magtama ang mga mata namin ng ama ni Val. Ngumiti ito sa akin, ngunit pinili kong mag-iwas ng tingin.


Hanggang ngayon ay 'di pa rin mapalagay ang aking isip. Ginalaw niya ba ang gamit ko? Hindi ako sigurado. Ngunit kung iisipin ay walang rason para pakialaman ni tito ang gamit ko.


Hindi ko maiwasan ma-frustrate sa aking sarili. Mukhang binibigyan ko ng masamang indikasyon ang simpleng aksyon ni tito Geo kahit hindi naman dapat. On top of that, wala rin akong ebidensya na makakapagpatibay na sinuyod niya ang aking aparador. I can't just accuse him of rummaging through my things; that would make the situation worse.


"Mommy Carms, daddy, magpapaalam daw po si Nadine."


Muntik na 'kong mapasapo sa mukha dahil sa kadaldalan ni Val. I was still looking for the right time to ask my aunt! Nahihiya akong ngumiti. Sa gitna ng aking pagngiti ay lihim kong sinipa ang binti ni Val sa ilalim ng mesa.


"Magpapaalam? Saan?"


Tumingin ako kay tita. "Magpapaalam sana ako, tita, mag-sleepover po kami sa bahay ng mga kaibigan ko. May kailangan lang po kaming simulan na school requirement."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beating HeartWhere stories live. Discover now