Two Patrollers

1.2K 73 30
                                    

Tahimik kong dinungaw ang langit mula sa pagkakaupo ko rito sa salas. Mula sa bintana ay nasilayan ko ang unti-unting pagbaba ng mga ulap hanggang sa tuluyan bumagsak ang luhang kinikimkim ng mga ito.


It's been days, and I'm still trying to take in the truth. Nahihirapan pa rin akong isuksok sa utak ko katotohanang nilantad ng mga kasama ko. 


Martes pa lang ngayon ngunit imbes na magtungo sa dorm na tinutuluyan ko kasama ang aking mga kaibigan, napili kong bumyahe at umuwi sa bahay.


I've been doing these for days already kaya hindi na nagulat pa si tita nang makita ang pasimple kong pag-upo rito sa couch matapos akong batiin ni Val. 


This is my way of dealing with the unfathomable truth I've just discovered. Pansamantala kong dinidistansya ang aking sarili mula sa mga kaibigan ko para makapag-isip-isip.


"How's school, Nadz?" tanong ng babaeng kasalukuyang nakayakap sa'king braso.


"Good, how 'bout you?"


"I'm lonely. I've been feeling sad lately." Pwede nang sabitan ng kaldero ang nakanguso niyang labi.


"Bakit naman?"


"Miss ko na kasi si Rupert!" himutok niya. Tumingin siya kay tito Geo at nagtanong. "Daddy, kailan ba tayo pupunta ng Les Varde? Gusto ko nang makita ulit si Rupert." Nagkibit-balikat lamang si tito Geo sa tinanong ng anak.


Napaiwas ako ng tingin. I'm not sure if Val will still adore Rupert once she learns he's not just any other guy.  Ano na lang ang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niyang normal lang sa lalaking hinahangaan niya ang pumatay para protektahan ang siyudad na 'to?


"Ilang araw ka nang umuuwi rito, hindi ba dapat nasa dorm ka ngayon?" tanong ni tita nang ilapag ang cookies at juice sa glass table. "Nagbayad ang mga magulang mo para sa dorm mo," paalala niya.


Napatingin si Val sa akin maging si tito Geo dahil sa sinabi ni tita. Binalik ko ang aking paningin sa kapatid ni papa at sumagot. "Hindi ko po feel matulog ngayon sa dorm." I swear I'm terrible at coming up with excuses.


Iniwasan ko ang nanunuring mga mata ni tita, pasimple akong kumuha ng ginawa niyang baked cookies at kumagat do'n. 


"Nag-away ba kayo ng mga kasama mo sa dorm?"


Umiling ako. "Hindi po. Hindi po kami nag-away." Nagkalantaran lang po kami ng katotohanan, tita.  


Kinuha ko ang backpack at muli itong sinakbit sa balikat ko. "Magpapahinga na po muna ako." Baka paulanan pa ako ng mga tanong ni tita, mabuti sigurong umiwas muna ako ro'n. Baka may masabi pa 'kong mali.


Agad kong ni-lock ang pinto pagkapasok ng kwarto. Nagmamadali kong binaba ang bag ko sa study table at mula sa loob nito ay nilabas ko ang hardbound notebook na kabibili ko lang kanina sa bookstore na meron ang LVU.

Beating HeartWhere stories live. Discover now