THI17

3.3K 46 0
                                    

Chapter 17

Halos mag aalas dos na nang madaling araw nang sabay sabay na kaming humiga sa nakalaan na kama. Bago pa tuluyang makatulog, panay padin ang tanong nang dalawang babae kung paano daw ba kami nag simula ni Trace. Kung sino daw ang nanligaw, kung sino ang unang gumawa ng moves. Mga tanong na hindi naman namin sinasagot. O kung sasagutin ma'y panay safe answers ang ibinibigay namin sa kanila.

Nakapikit ang mga mata ko, pero gising na gising ang diwa ko. At alam ko kung sino sa mga kasama namin ang mahimbing nang natutulog at kung sino sa kanila ang may pinakamalakas na hilik.

Kami ni Trace ang nasa gilid, nasa gitna naman ay sila Arj at Carlyn. At sa kabilang dulo naman ay sila Jayson at Jayden.

Napamulat ako ng mata at napatingin sa katabi ko nang maramdaman kong idinantay nya ang kanyang braso sa bandang tyan ko.

"Di kapa inaantok?" tanong nya sa akin. Ngumiti ako at umiling. Tumagilid ako ng higa para magkaharap kami.

"Namamahay ako, alam mo namang kapag hindi ko sariling kama namamahay ako. Bakit ikaw gising pa?" ganting tanong ko sa kanya. Idinantay ko din ang aking braso sa kanyang bewang.

"Hindi ako makatulog eh, Hindi ko alam kung bakit. Baka namamahay din ako"

"Hmmm, oh baka kasi hindi ka sanay na katabi ako?" I drew a some circles on his back. I felt how he stiff.

"Hmmm. Pwede din. Pero hindi lang naman ito ang iisang beses na magkatabi tayong natulog. Baka sadyang namamahay lang ako. Wag kang mag drawing sa likod ko. Makalam eh" Panandalian kong itinigil ang ginagawa at tumingin sa kanya.

"Huh? Anong makalam?"

"Makalam. Nakakakiliti" napa ahhh naman ako at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Panay naman ang saway nito sa akin.

"Nga pala, anong naisip mo kanina at nagkaroon ka ng lakas ng loob na magsabi sa kanila about sa relasyon natin?"

"Hmmm. Naisip ko kasi. Dapat na akong magsalita. Katulad kanina. Paano nalang pala kung ibang tao ang mga kasama mo sa truth or dare? Tapos katulad ng pinagawa sa iyo ni Jayden ang naging dare mo? Ayokong may ibang taong makakakita ng katawan mo." Paliwanag nya, at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa akin.

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. " So are we getting being a possessive boyfriend here?" I asked him.

"Possesive na kung possessive. Basta The moment na maging tayo, and We started to uhammm. Own each other's body. I have the rights para bakuran ka. What's mine is only mine. I know gasgas na ang mga linya na iyan pero wala kong pakiala-"

I cut his words using my lips. " I love you Trace. And don't worry. Sa'yo lang din naman ako."

"I love you too. Leigh" sagot naman nya. Inilapit nya ang kanyang mukha at pinagdikit ang tungki ng aming ilong. Napapikit ako.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi. Hindi ako gumagalaw, hinihintay at pinapakiramdaman kung paano syang gagalaw. Pero ilang Segundo na ang lumipas nang tila puro pagtama ng kanyang mainit na hininga lamang ang syang nararamdaman ko. I opened my eyes just to see how he stared at me intently.

He stared at me for what seemed like forever, but soon I found his lips pressing mine. We found ourself breathing heavily into a passionate kiss,our tounged started to gliding and circling.

"Baka makita nila tayo?" nag alala nyang tanong.

"Hindi iyan sus naman!. " dejavu? Parang ganito din halos ang naging eksena namin noong unang gabi na magkatabi kaming natulog kila Arj. Nag aalangan na baka makita nila kami.

Taking his InnocenceWhere stories live. Discover now