THI 7

3.5K 41 0
                                    

Chapter 7

Pag uga ng bus ang nakapagpagising sa natutulog kong diwa, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa labas ng bintana. Panay bundok at mga puno lamang ang halos makikita sa magkabilaang gilid ng kalsada.

Thanks God nawalana din ang sakit ng sikmura ko.

Inayos ko ang aking neck pillow at ang pag kakaupo. Iginala ko ang pangin sa loob ng bus at halos lahat ng mga pasahero ay tulog at ang iba mga nagbabasa at hawak ang kanilang cellphone.

Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Kapansin pansin talaga sa isang ito ang pagkakaroon nya ng mga mahahaba at mapilantik na mga pilik mata. Ang tangos din ng kanyang ilong, tapos ang mga labi nakaka temp na halikan. Nakakainggit lang na kung naging babae ang isang ito mas maganda pa sa akin.

Mula sa bag, kinuha ko ang aking cellphone at inopen ang camera ng cellphone ko. I make sure na walang flash at sound ang camera ko bago ko sya kinunan ng mga pictures. Nang makontento inilagay kong muli sa bag aking cellphone. Pero may isang pilyang ideya ang pumasok sa isip ko.

Kinuha ko ang mascara sa pink pouch ko at dahan dahang inapplyan ng mascara sa pilik mata si Trace. Palibhasa puyat siguro kaya mahimbing ang kanyang tulog. Nakailang subok ako bago ko nagawa ang kapilayang sinimulan. Gustong gusto kong magpakawala ng isang malakas ng halakhak ngunit pinigilan ko.

Muli kong kinuha ang cellphone at nag picture , this time nag selfie ako kasama si Trace. Nang makitang gumalaw sya agad kong ibinaba ang aking cellphone at nagkunwaring busy sa pagkalikot nito.

"Kanina ka pa gising?" tanong nya sa akin habang inaayos ang kanyang upo.

"Nope just a few minutes lang." saad ko matapos binigyan ko sya ng isang ngiti.

"Ang creepy ng ngiti mo Leigh. At hindi ko gusto" anito na inoobserbahan ako.

"Luh? Inaano kita dyan? Nanahimik ako dito , porket nginitian ka lang " pasuplada kong sabi para hindi mahalata na may ginawa nga ako.

Nagtaka kami kung bakit huminto ang bus, maari ito na yung sinasabi ni Jayden na stop over kapag kakain or iihi ang mga pasahero. Napatingin ako sa pambisig kong orasan at tinignan kung anong oras na. Magtatangahaliaan na din pala kaya ng stop over muna.

"Kain na po kung sino mang mga kakain at umihi na din ang mga naiihi." Sigaw ng kundoktor ng bus.
"Pakigising naman yung dalawa ikaw malapit sa kanila , ako na gigising sa dalawang ito" utos ko sa kanya na ang tinutukoy ay sila Arj at Carlyn.

Niyugyog ko sa balikat sila Jayson at Jayden upang gisingin.

"Woi dalawang Jay gising na muna kayo. Kain na muna tayo nagugutom na ako. We don't know kung malayo pa ba tayo." Lintaya ko sa kanila habang niyuyugyog.

Hindi naman ako nahirapang gisingin sila. Disorriented na tumingin si Jayson sa labas at nagtanong kay Jayden.

"Saan na ba tayo?"

"Hindi ako sigurado kung nasa Rizal tayo o Sta. Cruz." Ani Jayden na papungas pungas.

"Baba na muna tayo para kumain, gutom na ako , tara na?" tumayo ako bago nag excuse kay Trace para maka daan. Nakita ko ding gising sila Arj at Carlyn at inaayos ang sarili bago tumayo.

Hindi na sila nag alinlangan pang sumunod sa akin, marahil mga nakaramdam na din ng gutom.

Nakababa na kami at pumunta sa karinderya na nasa kabilang kalsada. Tatawid ka pa kasi para makapunta sa kainan.

"Maghanap nalang kayo ng mauupuan natin, kami ng mag oorder sa inyo, Jayson paki samahan na sila para may kasama silang lalaki, ano bang gusto nyo?" ani Trace.

Taking his InnocenceWhere stories live. Discover now