THI 6

3.8K 48 0
                                    

Chapter 6

Pasado alas otcho na ng gabi ako nakauwi. Napagplanuhan ng grupo na sa isang beach resort nalang daw kami mag cacamp since tinignan ni Jayden ang camping site na sya sanang pupuntahan namin. Napakaraming tao na ang anduon . Hindi kami makakapag enjoy kung masyadong matao.

Andito ako sa kwarto ko at naghahanap ng damit pamalit, bago ako mag half bath. Nakaugalian ko na kasing mag halfbath before ako matulog. Kahit naman sino may night routine na tinatawag.

After I taking my Halfbath, kaagad akong nag ayos ng mga gamit na dadalhin ko para bukas. Since ilang araw din ang itatagal namin mainam ng luggage bag ang gamitin ko kesa naman mag pack bag ako.

I packed sets of Tshirt, sets of walking shorts , sets of sando, sets of panty, sets of bra. Mga pang night routine ko na ginagamit sa katawan at mukha ay nasa isang lalagyan. Meron din kasamang isang katamtamang laki na kumot at isang neck pillow.

Matapos maiayos ang mga gamit ko sa luggage bag, bumaba na ako para kumain.

Hindi ko madalas maabutan ang mga kasama ko sa bahay. Dahil madalas gabi na ako nakakauwi at maaga naman ang pasok ng kapatid ko. Ang lola ko naman na syang kasama namin dito sa bahay, Maaga natutulog at maaga din nagigising para ipaghanda ng almusal ang kapatid ko.

Naabutan kong nasa lamesa pa si Nanay, ang lola ko. Nanay ang tawag namin sa kanya, mula pagkabata hanggang sa lumaki kami Nanay na ang tawag namin sa kanya.

"Oh Nay bakit gasing ka pa?" tanong ko nang makalapit sa pwesto nya. Inabot ko ang kanyang kamay senyales para mag mano ako.

"Ikaw na bata ka lagi ka na gabi kung umuuwi ha, Nasasanay kana!" paangil na saad nya. Hindi naman ako natatakot. Sanay na akong lagi napapagalitan kapag inaabot na ako ng dis oras sa gabi.

"Nay neto lang naman nangyari yun. Tapos na kasi ang finals namin kaya nag celebrate lang kami, kasama ko naman sila Arj." Usal ko at kumuha ng plato para makapag salin ng pagkain.

"saan naman kayo pumunta? At sino mga kasama nyo?"

"Sa Grandiya Nay, Kasama ko sila Arj, Carlyn at Jayden." Sagot ko at inilapag ang plato na may lamang pagkain sa lamesa, at umupo ako katapat nya.

"Hindi nyo kasama si Trace at Jayson?"

"Masama pakiramdam ni Jayson that time. Si Trace naman hindi mo maasahan sa mga ganoong lugar kaya kami lang tatlo nila Arj."

"Ahh kaya pala, oh saan naman ang lakad nyo bukas At nagpaalam sakin si Trace?" napaangat ako ng ulo sa sinabi nyang iyon.

"Nagpaalam na kagaad si Trace sa iyo?" saad ko bago isinubo ang pagkain.

"Oo ikaw na bata ka ano tatakasan mo ko? Nawiwili kana sa mga ginagawa mo ha" ani Nanay at tinaas pa ang kanang kamay na akala mo sasampalin ako. Napangiwi akong umiwas.

"Hala, inunahan nya lang ako pero magpapaalam naman talaga ako. Kung hindi kita naabutan ngayon bubulabugin kita mamayang madaling araw." Paliwanag ko habang kumakain.

"Sya sige anong oras ba ang lakad nyo? At anong lugar ang pupuntahan nyo?"

"Sabi ni Jayden sa may beach resort daw , ewan ko kung saan yun , sya kasi yung madaming alam kapag ganyan "

"madaling araw ang alis nyo?" napatango lang ako sa tanong nya bilang sagot.

"I lock mo nalang ang pinto pag aalis kana mamaya, matutulog na ako ." Bilin nya bago tumayo at pumunta na sa kanyang kwarto.

Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain. After a minute or so natapos na din akong kumain. Hinugasan ko na ang aking pinagkainan at umakyat na sa aking kwarto.

Taking his InnocenceWhere stories live. Discover now