"Nay? Nandyan po ba si Leigh?"

"Aba'y wala dito. Ang sabi sa akin kanina hindi daw makakauwi at mag oovernight daw kayo? May Tinatapos daw kayong system?" napahawak ako sa noo nang marinig ang sinabi ni Nanay.

Tinapos ko na ang tawag at sinabing wala pa kasi si Leigh kaya ko ito hinahanap.

Marahas akong napabuga ng hangin.

Saang lugar kita hahanapin Kayleigh De Vera?!

Kinalabit ako ni Jayson at nilingon ko naman ito. " Punta kaming Grandiya sama ka? Baka kasi nandoon lang si Leigh. You know nag boboy hunt" biro ni Arj habang tinataas taas pa ang mga kilay.

"Its not a good joke" tiim bagang kong sabi dito, nawala naman ang ngisi sa labi ni Arj nang makitang seryoso ako.

Nauna na akong naglakad sa kanila papuntang terminal ng tricycle at hinintay na sumakay sila.

Bakit nga ba hindi ko naisip na maaring sa bar magpunta ang isang iyon tsk.

I could hear and feel my heart punding against my ears as I impatiently waited for the bar receptionist to hand my entrance pass. Wala naman talaga akong balak na uminom kasama ang mga kaybigan namin.

Sadyang si Leigh ang pakay ko.

Miyerkules palang ng gabi at kahit siksikan sa loob ng bar ay nahihirapan akong dumaan sa pagitan ng mga nagsasayaw.

Then I saw her, sitting at the far end of the bar, nearly slumped on the table as her hands moved this way and that while she said something to a guy who is seated beside her.

May nakatayo ding waiter sa tabi nya at halatang binabayan ang bawat kilos nito.

Inilang hakbang ko papunta ang pwesto nila at marahang inilapat ang kamay sa likod ni Leigh. " Leigh, come on its time to go home"

Kaagad akong tinitigan ni Leigh. Namumula na ito at namumungay na ang mga mata. Medyo kalat na din ang lipstick nito sa gilid ng labi, pati na din ang eyeliner na halatang... Badtrip! Has she been crying? Pulang pula ang kanyang mata at tila namumugto pa. Gusto kong sakalin ang sarili ko for letting this happen to Leigh. Im such a fool. A jerk!

"Trace! My secretly boyfriend" bati nito, sabay bukas ng mga braso, handang yumakap sa akin. Kamuntikan na itong matumba mabuti nalang at maagap ko itong nasalo.

"Kayo po ba ang kasama nya?" tanong ng bartender. Tumango ako at nang sinabi nito kung magkano ang bill ni Leigh. Kinuha ko ang wallet sa bulsa at kumuha ng tatlong one thousand bill. Inabot ko ito sa bartender at nagpasalamat.

"Who are you?" tanong ng lalaking kasama ni Leigh.

"Boyfriend nya, at ikaw?" hindi naman ito nakasagot ng sabihin kong ako ang boyfriend ni Leigh.

"May malapit bang exit dito?" tanong ko sa bartender. Nakangiti naman nitong itinuro ang isang maliit na na hallway sa gilid. " Derechohin nyo lang po iyan Sir" sumenyas ito sa isang bouncer para tulungan kaming buksan ang pinto.

Dala ng hilo, hindi na nagawa pang mag protesta ni Leigh ng buhatin ko ito. She was tiny and fragile in my arms, she held at me tightly while murmuring something in my chest.

Mabilis kaming nakalabas ng bar.

Now where should I bring you? Hindi pwedeng sa bahay nyo dahil ang alam ni Nanay ay mag oovernight ka, lalong hindi pwede sa amin... Tsk!

Royal Inn Hotel.

Nakita kong may dumaang jeep at sa taas nito ay may add ng nasabing hotel. Hindi ko alam kung saan ang nasabing hotel. Kaagad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa Royal Inn.

Taking his InnocenceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum