Prologue

4.3K 64 4
                                    

Paalala: Mayroong mga wrong grammars, typos sa istoryang ito. At kung may mga pagkakaparehas na bagay, pangalan, lugar or something, nagkataon lang po, at walang halong katotohanan. Kung may pagkakatulad sa ibang istorya hindi ko po ginaya o kinuha. Sariling gawa ko po ito. At huli huwag niyo pong gayahin o nakawin ang aking gawa. Maraming salamat.

Prologue


Bigla itong napaharap sa kanya. Nakita niya na ang mukha ng dating minahal. Hindi maipagkakaila na mas gumwapo ito kaysa noon.

But it doesn't change the fact that he played her feelings, that he hurt her, and now he is the reason why her family will tear apart.

"Love, you're here. Hindi ko aakalain na makikita kita rito."

Nakaramdam siya ng kirot ng banggitin nito ang laging tinatawag sa kanya nito no'ng panahon na sila pa.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Sagutin mo ang tanong ko. Ikaw ba ang lalaki ni mommy?"

Ngumisi ito. At lumapit sa kanya kaya napa-atras siya.

"What if I told you that is not true, love. You will ever believe me?"

"Huwag kang lumapit sa akin. And to answer your question, no! Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo kung iba naman ang nakita ko kanina. Of all women in the earth, bakit si mommy pa? Marami pang ibang babae dyan, Timothy, na single walang sabit. Pero bakit si mommy? Sa taong may asawa at anak, pamilyado na ang karelasyon mo, at mas matanda pa sa'yo, para mo na siyang nanay!"

"Bakit sino ba ang gusto mong maging girlfriend ko? Ikaw? Pwede naman, eh. Lalo na na-miss kita, love."

"Anong akala mo sa akin, na desperadang makipagbalikan sa 'yo matapos mo akong lokohin. No! I will never come back to you!"

Nawala ang ngiti nito sa labi nito, natigilan ito sa sinabi niya ngunit ng may napagtanto ay bumalik ulit ang ngisi nito sa labi. "Kahit ba sabihin ko na titigilan ko na ang mommy mo? Papayag ka ba?" natuod siya sa sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niha at tinignan ito.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Ano ba ang gusto mo, Timothy?"

Lumapit ito at hinapit nito ang kanyang bewang at hinaplos nito ang kanyang labi. Nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi.

"Ikaw."

---

EDITING!!!!

Game Of Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon