Chapter 3

3 2 0
                                    

III: December 21

Rudolf's POV

Humiwalay agad ko kina Mama nang matapos ang simbang gabi(na madaling araw ginanap). Nakita ko kanina sa likurang banda si Chie kaya doon ako dumiretso para hanapin sya. Dumungaw muna ako sa bintana habang tinatahak ko ang daan papunta kay Chie. Wala paring araw. Paano ba naman, anong oras palang to. Buti nalang talaga at okay na yung paa ko. Nagpa-check up kasi ako kagabi, ininsist ni Mama.

Nakita ko si Chie na papalabas na sana ng simbahan kaya nagmadali ako sa paglakad. Ayoko namang tumakbo kasi ang bastos naman yata ng dating nun.

Ilang hakbang nalang at naabot ko rin sya sa braso. Gulat syang napalingon sa akin kaya bahagya akong natawa.

"Wala namang gulatan." Nakanguso nyang sabi. Namumungay parin ang mga mata nya at alam kong inaantok pa ang isang to.

"Sumama ka sa amin para diretso na tayo kila Tito mamaya." Sabi ko sa kanya habang hindi parin binibitawan ang braso nya. Hindi nya naman pinapansin iyon kaya hindi ko nalang rin tinanggal.

"Okay lang kay Madam?" Mahina nyang tanong. Gusto kong tampalin ang bibig nya.

"Pag narinig ka ni Mama na tinatawag mo syang Madam, sisisantehin ka nun." Biro ko pero seryoso ang pagkakasabi ko. Hinampas nya ako sa balikat kaya natawa ako.

"Tara na nga, baka iwanan nila tayo!"

Hawak ko sa balikat si Chie habang naglalakad kami palabas ng simbahan papunta sa sasakyan. Liningon ko ang paligid at naghanap ng pwedeng mabili na makakain.

"Chie, bili tayo dun." Bulong ko sa kanya at pinihit sya papunta sa mga stall sa gilid.

"Ano ba, Rudolf? Kaya ka tumataba eh!" Kahit na hindi ko sya tignan, alam kong nakangiwi sya.

"Hindi naman para sakin yung bibilihin ko!" Giit ko.

"Oh, edi kanino? Sa akin?" Tanong nya saka ako tiningala bago umirap.

"Eh kanino pa ba? Malamang sayo!"

Ewan ko pero natahimik kaming dalawa nung sabihin ko yun. Hindi na kumikibo si Chie tapos nagpauna pa sya sa paglakad kaya nahulog yung kamay kong nakahawak sa balikat nya. Anong nalanghap ng babaeng yun?

Hanggang sa pagbili namin ng puto bumbong, wala paring umiimik. Hanggang sa nakarating nalang kami sa bahay, wala parin.

"Magandang umaga po, Amang." Bati ni Chie kay Amang nang makasalubong namin sya sa patio. Nagmano si Chie kay Amang pagkatapos ko.

"Oh, Chie! Namayat ka yata? Kumakain ka pa ba? Sabi ko sa iyong dito ka nalang eh!" Ani Lolo pagkatapos magmano ni Chie sa kanya.

"Ilang beses na nga pong kinukumbinsi ni Mama, ayaw parin nya." Naiiling kong saad kaya halos panlisikan na ako ng tingin ni Chie sa panggagatong ko sa sinabi ni Lolo.

"Ay basta, pag kailangan mo ng kahit ano, sa amin ka lang lumapit ha? Sige, pumasok na kayo doon at kumain ng almusal." Sabi ni Lolo.


Pagpasok namin sa bahay ay agad na sinalubong si Chie ng kaedad kong katulong namin.

"Hala, Chie!" Gulat nyang sigaw saka sila nagyakapan ni Chie. Magkakilala kasi sila.

Once Upon a ChristmasWhere stories live. Discover now