Chapter 2.5

4 2 0
                                    

Rudolf's POV

---------






Agad akong binigyan ng kakilala kong waitress ng chaolong kahit na kakaupo ko palang.




"Nandyan ba si Mama?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti muna sya bago sumagot. Ano nanaman kaya ang nalaklak nito?



"Hindi pa bumabalik si Madam! Bakit nandito ka?" Ngiting ngiti nyang sagot. Hindi ko na kayang tignan sya sa mga mata kasi ang awkward ng pagkakangiti nya. Para bang may baon syang pangblackmail sa akin. Nakakakilabot.



"Kasi sa amin to?" May pagkapilosopo kong sagot. Totoo naman eh,



"Che! Ano nga pala nangyari dyan sa paa mo?" Binalik ko ang tingin ko sa kanya matapos makapagpiga ng kalamansi. Hindi na sya nakangirit, nakanguso na sya.



"Nagmala-superman ako kanina. Sayang di mo nakita." Naiiling kong sagot. Muli kong binalik ang tingin ko sa chaolong at nagsimulang maglagay ng mga sahog.



"Katangahan ang tawag dyan, Rudolf. Ka-ta-nga-han!" Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya. Katangahan ba talaga yun? Hindi naman talaga dapat doon ang punta ko eh, nagpatuloy lang ako kasi madadaanan ko ang bahay nila Keely pag doon ako dumaan, pero anong napala ko?




"Hiramin ko muna si Chie, ha?" Napaangat ang tingin ko nang ibang boses na ang narinig ko. Nakahawak na sa balikat ni Chie ang kapwa nyang waitress na mas matanda sa kanya. Napabaling ang tingin ko sa paligid at mas dumami na ang mga costumers. Pagabi na rin kasi. Mas malamig na kaya mas kailangan na nila ng mainit na makakain.



"Ihahatid kita pauwi." Sabi ko kay Chie bago ko tinanguan ang nakahawak sa balikat nya. Agad na syang pinihit paalis nung kasama nya.



"Teka, Rudolf! Alas nuebe pa ang uwi ko!" Sambit nya nang tumakbo sya pabalik sa pwesto ko.



"Ihahatid nga sabi kita. Ang kulit naman nito! Balik na, dali! Madami nang costumers. Sasabihan ko si Mama na hindi ka kumikilos para magtrabaho kapag hindi mo pa ako linubayan dito." Banta ko sa kanya kaya napangirit nanaman sya at agad na tumakbo paalis.




Naaalala ko sa kanya si Keely. Ganyan din sya ka-bibo nung close pa kami. Magtatatlong taon nang nagtatrabaho dito si Chie. Kung tutuusin, underage pa sya at hindi pa pwedeng magtrabaho. Three years ago, namatay ang Lola nya na syang kaagapay nya, tatlong buwan lang ang nakalipas, namatay na din ang Lolo nya. Yung Lolo at Lola nya lang ang kasama nya kaya ngayong wala na sila, mag-isa nalang nyang binubuhay ang sarili nya. Naawa si Mama sa kanya at sya mismo ang nag-suggest kay Chie na magtrabaho dito para may pangsustento sa mga kailangan nya. Naaawa din sa kanya ang mga kasama nyang nagtatrabaho dito kaya napagdesisyunan nilang hatian si Chie sa sweldo nila. Kinalaunan, napagisipan rin ni Mama na dagdagan nalang ang sweldo ni Chie para hindi na mabawasan ang sweldo ng ibang nagtatrabaho. Ilang beses na syang pinilit ni Mama na doon nalang sa amin manirahan pero ayaw ni Chie. Mapilit talaga.



Napatingin ako sa bagong dating. Naningkit pa ang mga mata ko para kilalanin ang pamilyar na taong kakapasok lang. Yumuko sya para tanggalin ang sumbrero bago naglakad papunta sa counter.




Lolo ni Keely!




Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kanya. Nang lingunin nya ako, agad akong nagmano.




"Nandito ka nanaman?!" Nakangising tanong ni Lolo. Tumango nalang ako.



"Nako, hindi ko kasama si Keely. Iniwan ko sa aming bahay para samahan iyong bisita! Nakita mo na ba iyon?" Tanong ni Lolo.

Once Upon a ChristmasKde žijí příběhy. Začni objevovat