Chapter 5

5 2 4
                                    

V: December 23

Rudolf's POV


Papunta ako sa Park para makipag-usap kay Bruno. Tinawagan nya ako kanina para dito. Tama nga ang sinabi ng baguhan at ayaw nga ni Bruno na mabuwag ang grupo.

Umakyat ako papunta sa usual na pinagtatambayan ng mga bata ni Bruno. Nandito rin yung bata na kumausap sa akin kahapon. Bahagya syang nakangisi na para bang pinaparating na tama sya.

"Bossing," tawag sa akin ni Bruno gamit ang tono na walang bahid ng anumang saya. Seryoso sya.

"Sabi mo ngang dahil kay Keely kaya nabuo ang grupo. Bakit mo binuwag ang grupo? Tingin mo ba tapos na ang karapatan mo sa kanya?" May halong galit at pagtatakang tanong ni Bruno.

"This isn't about Keely," matigas kong saad. Pinanlisikan ko sya ng tingin para matigil ang kadadawit nya sa pangalan ni Keely.

"Talaga lang ha?" Sarkastiko nitong saad habang nakataas ang isang kilay at animo'y galit. Humakbang sya palayo kaya nagtaka ako at sinundan ko sya ng tingin pero agad ding napabalik ang tingin ko sa kaninang kinapupwestuhan ni Bruno.

Nasa mataas na bahagi kami ng park kaya kita ang kabuuan mula dito. At ngayong wala nang nakaharang sa harap ko, kitang kita ko sa baba si Keely kasama ang lalaking iyon. Nanggalaiti ako sa galit nang makitang hawak ng lalaki ang kamay ni Keely at may ginagawa sya doon. Anong kagaguhan yun? Pumapayag si Keely sa ganyan?

"Rudolf, hindi pa tayo tapos kay Keely." Dinig kong sabi ni Bruno. Lalo akong nanggalaiti nang makita ang epekto ng lalaking yun kay Keely. Layuan mo sya, hayop ka. Akin lang si Keely!

"Kami na ang bahala sa kanya." Muling saad ni Bruno. Hinarap ko sya nang puno ng galit.

"Palayuin nyo yang lalaking yan kay Keely." Utos ko sa kanya. Napangisi si Bruno at tumango. Pagkatapos ay hinarap nya ang mga bata nya para kausapin ang mga ito.


------

Sumunod lang ako kay Bruno nang sinabi nyang may alam na syang pwedeng gawin para mapalayo ang lalaking iyon kay Keely.

Nakatingin lang ako sa harapan habang naglalakad at hindi ko makita ang makakasalubong namin dahil matarik ito at pataas. Halos mapatalon nalang ako sa gulat nang sina Keely ang madatnan ko. Magkahawak kamay sila at pulang pula na si Keely samantalang nakangisi naman yung lalaki.

"Ako nang bahala dito, Bossing." Nakangising saad ni Bruno at may ibinulong sa mga bata nya.

Wala akong ibang madama ngayon kundi galit. Hindi ko naman inakalang aabot sila sa ganitong punto ng lalaking to. Hindi pwedeng bigla nalang syang makikipagholding hands sa lalaking yan! Ni hindi nya nga yan kakilala! Anong ginawa ng lalaking yan para pagkatiwalaam sya ni Keely? Para payagan syang hawakan ang kamay nya? Ptngn!

Linabas ko lahat ng hinanakit ko nang makapagsabatan kami nung lalaki. Hindi sya nagpatinag kaya nagsimula na si Bruno sa plano nya. Nanggigigil parin ako sa galit. Nandidilim na rin ang paningin ko sa galit sa lalaking iyon. Wala syang karapatan kay Keely! Ako, meron!

Sumigaw si Keely nang magsimula na ang mga bata ni Bruno. Hindi rin ako nagtagal sa panonood doon dahil ayoko nang makita kung paano manggigil si Keely sa inis dahil wala syang magawa para tulungan ang lalaki.

Tinalikuran ko na silang lahat. Ayoko na. Titigil na talaga ako. Kung talagang para ako kay Keely, dapat noon pa man, nagkamabutihan na kami. Ano to? Mas nauna pa silang magkamabutihan nung kakarating lang kesa sa akin na matagal na nyang kakilala. Bullshit.

Titigil na talaga ako kay Keely. Masyado na tong ginagawa ko. Mahigit isang dekada ko na syang binantayan at inibig at wala akong nakuha in return. Wala akong mapapala kay Keely.

Nakulong ako kay Keely at binewala ko ang lahat ng magiging consequences nun. Nakapokus lang ako sa kanya. Hindi ako tumitigin sa iba. Hindi man nya alam pero pinapabantayan ko sya sa ibang tao dahil hindi naman sa lahat ng oras ay nasusubaybayan ko sya.

Nagpataba ako dahil gusto yun ni Keely.
Si Keely lang ang inibig ko dahil sya ang first love ko.

Nagpadala ako masyado sa nararamdaman ko. Hinding hindi na mauulit to.

------

Once Upon a ChristmasWhere stories live. Discover now