LAST CHAPTER

3 2 0
                                    

Last Chapter

Rudolf's POV

After 2 years

December 25  ng taong yun nang makipagkita ako kay Ajax, yung lalaking may gusto ni Keely at gusto ni Keely.

Pagsasabihan ko sana syang bantayan si Keely tutal nagkakamabutihan na rin naman sila. Tinanggap ko nalang ang katotohanan na baka sila nga ang para sa isa't isa, mahirap mang tanggapin.

"Gusto ko sanang bantayan mo si Keely. Aalis ako." Pangunguna ko sa kanya.

"Uuwi na ako ng Manila. Yun din ang dapat kong sasabihin sayo." Naguguluhang saad ni Ajax. Napailing nalang ako.

"Ako nalang bahala kay Keely. Papabatayan ko sya sa Fat Guys." Desidido kong saad. Wala nang ibang pwedeng maging mata namin dito bukod sa Fat Guys. Tutal yun naman talaga ang punto ng pagbuo ko sa grupo, edi papanindigan nila ang trabaho nila ngayon. Buti nalang at hindi yun tuluyang nabuwag.

"Kelan ba ang alis mo?" Tanong nya.

"Next week pa ako. Alam kong bukas na uwi mo." Sagot ko sa kanya.

Dumaan ang isang linggo at araw na para umalis ako. Sa malayong probinsya ako lilipat. Sa Palawan. Hindi ako mag-isa dahil pinasama sa akin si Chie.

----

Confused lang ako noon kay Chie. Nalilito pa ako nun sa nararamdaman ko. Pero ngayon, sigurado na ako. Natutunan kong magmahal ng ibang tao. Natutunan kong mahalin si Chie. Sa pagkakataong ito, nasuklian na ang pagmamahal ko. Hindi na one-sided.

"Rudolf, sige tumunganga ka pa dyan." Inis na singhal ni Chie. Napalingon ako sa kanya habang tumatawa.

"Sorry naman. Alis na tayo?" Nakangisi kong tanong habang dinadampot ang mga bagahe namin sa sahig.

"Kanina pa ako atat na atat! Dalian mo na! Gusto ko nang makapunta sa El Nido!" Sigaw nya habang hinahampas ako nang tuloy tuloy sa balikat.

"Kumalma ka nga! Wala na akong taba na haharang sa sakit ng hampas mo ngayon!" Nakangiwi kong sigaw nang patuloy parin sya sa paghahampas.

"Ang bagal bagal mo kasing kumilos!"  Sigaw nya.

Sya nga dyan ang mabagal. Kanina pa ako naghihintay dito para matapos sya sa pagimpake eh.

Sumakay na kami sa sasakyan at tinahak ang daan papunta sa El Nido. Nandoon na kasi sina Keely at Ajax. May bahay doon ang kamag-anak ni Ajax at doon kami makikituloy. Doon din kami magcecelebrate ng Christmas. Maraming nangyari sa dalawang taon. Maraming nagbago.

"Bye, Puerto." Bulong ni Chie habang nakangisi at nakasandal sa bintana ng sasakyan.

And finally, I got the girl I'll love for the rest of my life. Hindi ko na papakawalan ang babaeng ito.

Merry Christmas!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon a ChristmasWhere stories live. Discover now