Chapter 1

14 3 8
                                    

I –December 19



Rudolf's POV



Napatigil ako sa pagkagat ng hawak kong hamburger nang makita kong naglalakad sa pavement si Keely habang nagbabasa. Wala sa dinadaanan nya yung focus nya kasi nga nagbabasa sya. Napailing nalang ako habang nakangiti.


Kakagat na sana ako uli sa hamburger ko kaso may dumaan na aso sa harap ni Keely! Shit! Baka matisod sya tapos madapa!


Handa na sana akong tumakbo nang tumigil sya sa paglakad ilang dangkal nalang ang layo sa aso. Ibinaba nya ang librong hawak nya saka lumingon sa likod nya.

"Oh? Hijo, anong meron sa pwesto mong 'yan?" rinig kong sabi nung mamang tindero ng hamburger. Hindi ko sya pinansin kasi baka iba ang kausap nya. Tsaka tinitignan ko pa kung sino yung kausap ni Keely, nakakunot na kasi ang noo nya.

"Oy hijo, kausap kita!" muling sigaw nung mama. Napalingon na ako sa kanya habang nakangiwi. Ako pala yung kausap nya? Sa akin sya nakatingin eh. Kung nakangiwi ako, mas nakangiwi naman sya. Pero ako, gwapo ang pagkakangiwiko. Siya, mukha nang manyak na hirap tumae.

"Bakit ho ba, 'nong?" tanong ko bago bumuntong hininga.

"Kako umayos ka ng upo. Mukha kang nauutot dyan sa pwesto mo. Ay kung nauutot ka nga, doon ka sa malayo! Mamayama mapektuhan pa itong niluluto ko!" lalong lumawak yung ngiwi nya, tipo bang diringdiri sya. Doon ko lang napansin kung ano ang pwesto ko. Hindi ako natuloy sa pagupo kanina kaya halos isang dangkal ang layo ng pwet ko sa upuan. Mukha pala akong natatae na aso.

Umayos na ako ng tayo. Liningon ko muna ang pwesto ni Keely para siguruhing hindi sya nakatingin, buti nalang at hindi dahil busy yata sya sa kausap nya. Malaking kahihiyan to!

"Salamat sa pagserve sa'kin ng masarap na hamburger. Pero dahil ho sa lumabas sa bibig nyo kani-kanina lang, mababawasan ka na ng suki." Pinanlisikan ko si manong ng tingin saka ko kinakagatan ng malaki ang hamburger ko.

Pagkatapos nun, tinapon ko sa harap ng tindahan nya ang halos hindi pa nababawasang hamburger saka ako naglakad palayo.

Lokong matanda yun ah. Alam na nga nyang suki nya ako tapos sasabihan ako ng ganun? Kahit na masarap yung tinda nyang hamburger magagawa kong talikuran sya dahil sa sinabi nya kanina!

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang nasa pavement na pala ako. Mabuti nang umuwi nalang muna kaming magttropa. Napalingon ako sa kaliwa para hanapin sila pero wala. Paglingon ko naman sa kanan, napatalon ako ng paatras nang bumungad sa mismong mukha ko ang buhok! Shit kaninong buhok yun?!

"Tamang tama at magpapasko na, sila ang ihahanda ko sa Noche Buena namin! Paniguradong matutuwa si Lolo." Rinig kong bulong ng may-ari ng buhok. Teka, si Keely? Paanong...

Napalingon ako sa paligid ko. Shit! Nasa pavement nga pala ako! Huling tingin ko kay Keely kanina nasa pavement din sya! Kay Keely yung nasalubong kong buhok! Shit! Shit talaga! Buti nakatalikod sya kanina kundi baka nahampas nya sa'kin yung libro nya! Hardbound yun! Masakit yun!

Napatingin ako sa harap nya para malaman kung sinong tinutukoy nya. Wala na akong ibang nakita kundi yung mga hinahanap ko kanina. Sina Bruno. Nakangisi silang lahat kanina kay Keely pero nang lumingon sila sa'kin agad na nanlaki ang mata ni Bruno saka siniko yung mga katabi nya. Nang mapalingon silang lahat sa'kin naka-ngiting maamo na sila.

Pinagtitripan nanaman yata nila si Keely. Napabuntong hininga ako. "Wag nga kayong ganyan. Ano bang ginawa sa inyo ni Keely para pagdiskitahan nyo sya, ha?" sorry Keely pero hindi ko maiwasang hindi ka hawakan. Braso lang naman eh. Braso lang.


"Rudolf?" nakita ko ang pagkairita sa boses nya lalo na nung napatingin sya sa kamay kong nasa braso nya. Bahagya nyang inilayo ang braso nya kaya binitawan ko na, saka sya muling humarap kila Bruno. "Pwede din namang Piggy total baboy din naman sya."



Rinig na rinig ko ang pagkairita ni Keely. Ano nanaman bang ginawa sa kanya nila Bruno? Matagal ko na silang pinagsabihang wag pakekealaman si Keely pero hindi naman nila sinusunod.



"Pinagkakainteresan ka ba nila, Keely?" hinarap ko sya pero kinagat nya lang ang lower lip nya saka linihis ang tingin. Inis na inis siguro sya na ni ayaw na nyang makipag-usap. Napabuntong hininga nalang ako bago liningon sina Bruno.



"Hoy mga baboy, anong ginawa nyo kay Keely?" isa isa ko silang pinanlisikan ng tingin pero lahat ng nakakasalubong ko ng tingin, lumilipat ang tingin kay Bruno.



"Wala naman, bossing. Hahaha" ani ni Bruno bago sya tumawa. Nakita kong siniko nya ang katabi nya pagkatapos tumawa na rin silang lahat.





"Ewan ko sa inyo, gutom lang yan."



Tinalikuran nya sina Bruno kaya napaharap sya sa'kin. Saglit na nagtama ang tingin namin pero agad din syang naglakad paalis, nabangga nya pa ako sa balikat pero sya yung tumalsik. Salubong ang kilay ni Keely nang umalis sya. Halatang inis na inis sya.



Habang naglalakad sya paalis ay sinisipa nya ang mga batong nadadaanan nya.



Napabuntong hininga nalang ako saka muling liningon sina Bruno. "Ano yun, ha? Ilang ulit ko pa bang sasabihin sa inyo? Ikaw Bruno, nakakailan ka na. Isa pa talaga at palalayasin na kita sa grupo."



"Sorry na Rudolf. Last na yun. Promise." Ani ni Bruno habang nakayuko at kumakamot ng batok.



"Umuwi na kayo. Gabi na."



Tinalikuran ko na sila nang tumango si Bruno. Hindi ko na matanaw si Keely. Siguro naman dito sya dumaan kasi daanan nya din to pauwi. Sasabayan ko syang maglakad pag naabutan ko sya.







Tumakbo ako patungo sa direksyong tinahak ni Keely. Madilim na kaya nakabukas na lahat ng street lights. Sumandal ako sa tabi ng nakaparadang kotse sa daan para magpahinga. Ang layo na rin ng natakbo ko. Nakakapagod!





May narinig akong sumigaw tsaka bagay na nahulog kaya agad akong napatayo ng maayos. Sinundan ko ng tingin kung saan nanggaling yung ingay. Ilang metro ang layo sa'kin, may babaeng nakatayo ilang metro ang layo sa street light na may taong nakatayo.





"Puchaaaaa!" napapitlag ako sa gulat nang sumigaw yung nasa street light. Ganun din yung babae.



Teka, si Keely yun ah?



Tinignan ko ang paligid ng lalaking nakatayo sa ilalim ng street light. May skate board sa paanan nya tsaka nakabuklat na libro. Si Keely nga siguro yun.



Teka ano bang gagawin ko? Lalapitan ko ba sila? Aalis na ba ako? Kukuhain ko na ba si Keely? Anong gagawin ko?!



Napalingon ako sa paligid nang makitang parang may hinahanap sa paligid si Keely. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya, nakalapit na sya sa lalaki. Nakaluhod na sya sa harap ng lalaki habang yung lalaki naman nakahiga sa kalsada. Hawak hawak ni Keely yung pisngi nung lalaki, pagkatapos inilapit nya yung mukha nya sa dibdib nung lalaki.



Shit. Hindi.





Napaiwas ako ng tingin sa kanila.





Shit. Hindi ako nagseselos.





Ngayon lang uli lumapit sa lalaki si Keely.











Shit. Sana pala hinampas nya nalang ako ng libro nya kanina sa mukha. Kahit na masakit, okay lang. At least aalagaan nya ako pagkatapos. Kesa sa nakikita ko ngayon. Mas masakit pa yata to kesa sa hampas ng libro. Encyclopedia yata tong humampas sa'kin.

Once Upon a ChristmasWhere stories live. Discover now