Chapter 2: Never been in love

Start from the beginning
                                    

“Hi Ella,” he greets as he smiles at me. “Pauwi ka na?” he asks.

“Yeah. Sige, una na ‘ko—”

“Hatid na kita,” alok niya.

“No thanks,” pagtanggi ko sabay liko pero hinarang niya ulit ako.

“Ugh, excuse me? Dadaan ako,” mataray kong sambit.

“Ito naman! Pakipot pa! Dali, hatid na kita,” pamimilit niya. Damn it! Why so persistent? Kita na ngang ayaw ko!

“Huwag na. Salamat nalang. Tabi, nagmamadali ako,” sagot ko. Kaso hindi siya tumabi kaya lumiko ulit ako. Kaso ang walang ‘ya, hinarang na naman ako!

“Dali na! ‘Wag ka nang mahiya,” he insists. Hindi na ako nakapagtimpi pa.

“SINABI NA NGANG AYAW—”

Napatigil ako sa pagsasalita kasi may biglang umakbay sa ‘kin. Biglang namutla itong si Arwin. (Oo, Arwin ang pangalan nitong lintik na nanghaharang sa ‘kin). What the—

“Kung ayaw sumama, ‘wag pilitin,” wika nitong umakbay sa ‘kin.

That voice…

…si Ken!

“A, sige. Una na pala ‘ko. See you next time Ella,” medyo kabadong sabi ni Arwin sabay lakad paalis. Salamat naman! Buti at umalis na siya! Takot nalang niya sa best friend ko!

“Kanina pa kita tinatawag tapos dire-diretso lang ang lakad mo. Nice.”

Kaagad akong napalingon sa kasama ko.

“Sorry naman! Naka-earphones kasi ako tapos naka-full pa ang volume ng rock song na pinakikinggan ko kanina,” I say.

“Tss! Sinabi naman kasi sa ‘yong hintayin ako, ‘di ba? Ayan tuloy. Hinarang ka na naman ng stalker mong manliligaw. Ibang klase ka talaga,” he says amusedly.

“Antagal mo naman kasi, nainip na ‘ko! Sorry na, okay? Tara na nga! Naghihintay sila Allen do’n!”

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng campus. Hindi niya pa rin inaalis ang pagkaka-akbay sa ‘kin. Ayos lang, tutal sanay na naman ako.

“Mukhang enjoy na enjoy ka ata sa pag-akbay sa ‘kin. Ano, napasarap?” May masabi lang ako. Saka trip ko kasi siyang asarin ngayon.

Sa kabila nang sinabi ko, hindi niya pa rin inalis ang kaniyang brasong naka-akbay sa ‘kin.


“Hindi ka na nasanay,” sagot niya. Talaga lang, ha?

“Tuwang-tuwa ka naman,” pang-aasar ko sa kaniya.

“Baka ikaw. Saka ayaw mo no’n? Para walang ibang asungot na lalaki ang lalapit sa ‘yo. Pasalamat ka nga d’yan at iniligtas kita ro’n sa kolokoy mong stalker na manliligaw,” aniya.

“Selos ka naman? Yieee! ‘Wag ka nga! Wala naman akong interes sa kanila kaya ‘di mo na ‘ko kailangang bakuran. Saka…ikaw lang naman ang lalaki sa buhay ko.” Say what? Hahaha! Oy, walang malis’ya ‘yan! Gan’yan lang talaga ako manlambing.

Bed friends? (Completed)Where stories live. Discover now