"Sa ganitong position talaga?" tanong ko sa kanya pero niyakap ko pa rin sya.

"Dito ako komportable eh."

Kakaiba ang trip naman ang pagiging komportable ng taong ito. Hinayaan ko na lang sya dahil mukhang nakatulog agad ang isang 'to sa pagod. Nakayakap sa kanya na pumikit ako at nagpahinga.


"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Acey. Nasa sasakyan kaming dalawa papunta kung saan man nya binabalak dahil pang-ilang beses na akong nagtanong sa kanya ay hindi sya sumasagot ng maayos.

"Sa langit." oh 'di ba? ang tino ng sagot nya.

"Acey ano ba? saan nga tayo pupunta?"

"Sa puso ko."

Bwisit. Ang sarap magmura.

"Babe, relax okay? hindi naman kita dadalhin sa liblib na lugar para gahasain."

"Acey ah umayos ka." ang tino kong magtanong tapos puro kalokohan ang sagot nya.

"Chillax, malapit na tayo kaya wag ka nang magtanong dyan. Malalaman mo rin naman kapag nakarating na tayo roon."

"Eh bakit kasi hindi mo na lang sagutin nang manahimik ako?"

Tumingin muna sya sakin saglit bago ituon sa daan ang tingin. Nakangiti sya na para bang nae-enjoy sya na naiinis ako.

"Basta." napabuntong hininga ako. Wala akong mapapala rito.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko ang mga nadadaanan namin nang bigla kaming pumasok sa isang exclusive na subdivision. Napatingin ako kay Acey pero ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana dahil wala akong makukuhang sagot sa kanya pero nagtataka ako kung bakit kami nandito at mabilis lang na pinapasok ng mga guard si Acey? kilala kaya sya rito.

"Teka, sainyo itong subdivision?!" gulat na sabi ko nung mabasa ko ang pangalan ng subdivision. Gremory East Subdivision.

"As you can see." nakangiting sabi nya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong subdivision sila Acey.

Tumigil ang sasakyan sa tapat na hindi gaano kalaki na bahay. Simple lang ang bahay na ito kumpara sa mga kapitbahay na mas malaki at malawak kumpara sa bahay na nasa harapan namin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya bumaba ako habang nakatanaw pa rin sa bahay. Ang ganda kasi nito kahit simple lang. Walang gate ang mga bahay rito sa subdivision, napaka-open nito. Hindi kaya ito manakawan dahil walang gate?

"Kaninong bahay ito?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot, bagkus ay pinakita nya sakin ang susi. Kumunot ang noo ko.

Hinila nya ako papasok ng bahay gamit ang susing hawak nya.

Namangha ako sa ganda ng loob ng bahay. Kung gaano kasimple ng design sa labas ganon naman ka-modernized ang loob. High ceiling at may malaking chandelier, may maliit na coffee table sa gitna ng naglalakihang couch at sa harap non ay nakasabit na malaking flat screen tv, tapos ay naka-carpet pa ang sahig.

"Bahay natin ito." nanlaki ang mga mata kong nakatingin kay Acey.

"Are you sure? sa-satin ang bahay na 'to?" seryoso ba 'to?

"Yup, come." hinila nya ako papunta sa isang lugar na pagpunta namin doon ay kusina pala. Hindi lang ito simpleng kusina na lang, sa kabilang gilid ng lugar ay nandoon ang bar station na may mga alak na naka-display.

Pumunta naman kami sa katabing kwarto na ay ang dinning area. May mahabang lamesa na pang doseng tao. Bakit ang laki naman ata ng lamesa.

"Gusto ko madaming tayong anak." nanlaki ang mga mata ko.

KabitМесто, где живут истории. Откройте их для себя