Chapter 29

24K 906 172
                                    




"Mommy!" sigaw ni Kevin nung makita kaming palabas ng airport. Sinalubong ko sya ng mahigpit na yakap.

"Aww baby boy ko namiss kita." sabi ko rito at hinalikan sya. Grabe miss na miss ko na ang anak ko. "Bakit pumayat ka? hindi ka ba pinapakain ng daddy mo?" tanong ko rito.

"Malamang, iba ang pinapakain non." tumingin kami kay Acey na nasa likuran namin.

"Mommy Acey!" masayang tawag ni Kevin kay Acey. Lumapit sya rito at niyakap si Acey. Nakangiting pinagmasdan ko sila.

"Sawakas naman naging okay ka na." napatingin kaming tatlo kay Arch, tulak-tulak sya ni Lorenzo. Tumingin ako sya, ngitian nya ako pero ako hindi. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"Dahil kasama ko ang taong magkukulay sa madilim kong buhay." sabi ni Acey habang nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kanya.

"Masasabi mo pa kaya 'yan kapag sinabi kong aagawin ko sayo si Maru ko?" nakangising sabi ni Arch. Napatingin ako sa kanya. Pagtri-tripan nya rin si Acey.

"What?! anong pinagsasabi mo dyan Ate?" kunot noong tanong ni Acey.

Lumapit sakin si Kevin. Nginitian ko sya at ginulo ang buhok nya. "Kamusta ang baby boy ko?"

"Medyo malungkot po kasi wala po kayo ni Mommy Acey." sabi nya. Napangiti ako sa pagtawag nya ng Mommy Acey si Acey.

"Gustong gusto mong maging Mommy si Acey 'no?" tanong ko sa kanya.

"Opo. Kung hindi na po kayo magkakapagbalikan ni Daddy, si Mommy Acey na lang po ang papalit sa kanya." sabi nya. Ngumiti ako.

Kahit na hindi ko nagustuhan ang ginawa nila at kinuntsaba pa nila si Kevin na tanggapin ang paghihiwalay namin ni Lorenzo ay masaya ako kahit papaano na tanggap ni Kevin si Acey.

"Ikaw si Arch?! yung puppy love ni babe?! no way!" sigaw nya. Napakunot ang noo ko dahil nasa labas lang kami ng airport ay nagsisigaw sya.

"Puppy love? first love sya ni Maru, Acey." sabi ni Lorenzo.

"Ikaw! akala ko ba mahal mo si Ate? bakit hinahayaan mo syang aagawin nya sakin si Maru!" sigaw pa rin ni Acey. Tumingin ako sa paligid at may mga taong nanonood samin dahil sa sigaw ni Acey.

"Acey, wag kang sumigaw, pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito." sabi ko sa kanya. "Umuwi na muna tayo." sabi ko sa kanila. Hinila ko na si Kevin para makaalis na kami.

Nakauwi kami sa bahay na hindi sila nag-iingay. Mabuti na 'yon dahil nakakapagod rin kaya bumiyahe ng matagal tapos mag-iingay pa sila.

"Ah Maru." napatingin ako kay Lorenzo na kamot kamot ang ulo nya. Naunang pumasok sila Arch habang kami ni Lorenzo ay nasa  garahe. "Ginagamit na namin ni Angel yung master's bedroom. Si Angel kasi..." nahihiyang sabi nya.

Kumunot ang noo ko at nag-cross arms sa harapan nya. "At siguradong doon nyo rin ginagawa ang kahalayan ninyo." sabi ko habang nakataas ng kilay. Nanlaki ang mga mata nya habang namumula ang mukha.

"Si-si Angel kasi ang pasimuno..hindi naman ako.."

"Makatanggi kasi lalaki ka lang." pagpapatuloy ko.

"Hey, hindi naman ako ganon kamanyak na kapag may nakakitang sexy babae ay susunggaban agad." 

"Alam ko, masyado kang defensive." tumingin ako sa kanya ng diretso. "Mag-file na tayo ng annulment." seryosong sabi ko.

Tumingin sya sakin ng malungkot at ngumiti sya ng tipid.

"Okay. I'm sorry Maru sa nangyari, sana─" pinutol ko sya.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon