Chapter 28

24.1K 931 100
                                    




"Check...mate." ibinaba ko ang librong binabasa ko na gawa rin ni Acey pero hindi nya nilabas sa bookstore. Tumingin ako kay Acey na kalaro ang pamangkin nyang babae na si Lica sa chess.

"Ugh! How?! Why?!" sabi ni Lica habang sinasabunutan ang buhok nya.

"Hahahaha!" tawa lang ni Acey. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan sya.

"My turn! my turn!" tinulak ni Lion si Lica paalis sa pwesto nito.

"Eh?! No way! We're not done yet! Lion!" sigaw ni Lica.

"You can't win against Auntie Acey, so give up." sabi ni Lion.

"Hah! so you think, you can? In your dreams!" sabi rin ni Lica.

"Hey, stop, wag kayong mag-away." paawat ni Acey. "Parehas lang naman kayong hindi mananalo sakin." sabi nya pa. Yabang.

"Wala pa nga atang nakakatalo sayo, Acey." sabi ni Ate Ayen, pangatlo sya sa huling magkakapatid. Sya ang kasama ni Arch umuwi sa pilipinas pero bumalik rin sya agad dito dahil may trabaho sya at walang mag-aalaga sa anak nyang sila Lica at Lion.

"Umm..natalo na ako." sabi ni Acey. Nagulat naman ang mag-ina. "Yung anak ko ang nakatalo sakin." napakunot noo namin ni Ate Ayen.

"Sinong anak mo? kailangan ka pa na hindi na virgin?" biglang pumasok sa isip ko ang nangyari samin ni Acey kaya napaiwas ako ng tingin.

"Bago ako bumalik dito." sagot ni Acey.

"Paanong nangyaring may anak ka kung nakaraang buwan ka lang sumuko sa bataan mo?" tanong pa ulit ni Ate Ayen.

"Si Kevin ang anak ko, anak namin ni Maru." sabi ni Acey kaya napatingin ako sa kanya. Sakin naman napatingin si Ate Ayen.

"Oh I see." nakangiting sbai ni Ate Ayen. "So, natalo ka pala nung handsome boy na 'yon?" nakita nya na si Kevin? siguro ay pinakita ni Lorenzo ang picture ni Kevin.

"Well, one time lang naman." nakangiting sagot ni Acey.

"Mommy, who's that handsome boy?" tanong ni Lion.

"Your Auntie's son, Kevin Gueverra." sagot naman nya sa anak nya.

"What?!" natawa si Ate Ayen sa reaction ng anak nya. Napangiti naman kami ni Acey.

"Ano meron at makasigaw kayo dyan?" bigla naman dumating si kuya Ace.

"Daddy!" sigaw ng dalawang bata.

Bigla akong nagtaka. Daddy?

"Si Kuya Ace ang asawa ni Ate Ayen." napatingin ako kay Acey na nasa tabi ko na pala.

"Huh? paanong nangyari 'yon? magkapatid sila 'di ba?" naguguluhang tanong ko.

"Wag kang maniwala dyan, siraulo yan. Daddy lang tawag nila kay kuya Ace dahil wala na silang daddy." sabi ni Ate Ayen.

"Wala na kayong asawa, Ate Ayen?" tanong ko. Tumango sya.

"Nambabae asawa nya." bulong naman ni Acey sakin.

"Parang yung ginawa ninyo sakin." sinamaan ko sya ng tingin. Napangiwi sya at umiwas ng tingin sakin. Napangiti ako.

"May bisita ka Ayen, isang panget na manliligaw." sabi ni Kuya Ace. Grabe sa panget.

"Grabe ka 'no? sana tumanda kang binata, bakla!" sigaw ni Ate Ayen. Nagulat naman ako sa sinabi ni ate Ayen.

"Bakla ka Kuya Ace?" tanong ko.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon