Chapter 16

23.5K 958 385
                                    




Maru's POV

"Isa lang ang dahilan..." pinagmasdan nya ang mukha ko. "Dahil..."

"Mommy!" napatingin kami kay Kevin. "Uhhh...." nagtatanong yung mukha nyang nakatingin samin ni Acey.

Doon ko lang na-realize na nakapatong nga pala sakin si Acey. Itinulak ko ulit si Acey paalis sa ibabaw ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya at tumayo. Tumingin ako kay Acey nakasimangot, narinig ko pa ang bulong nya.

"Nag-eenjoy pa ako eh." nailing na lang ako at lumapit kay Kevin.

"Pwede po ba kaming lumabas at pumunta ng park?" wow bago 'to ah, lalabas si Kevin at pupunta ng park.

"Tanghali pa lang ah. Sobrang init sa labas, mamaya na kayo lumabas." sabi ni Acey. Minsan talaga napakaepal nito.

"Pero pwede po?" nagtatanong bumaling sakin si Kevin na nagmamakaawa.

"Alright. Sawakas makikipaglaro ka na rin sa ibang bata." ginulo ko ang buhok nya. Napangiti naman sya ng malapad. "Tapos na ba kayo kumain?"

"Opo kakatapos lang po. Sige, mommy doon po muna kami sa kwarto ko." tumango ako kay Kevin at lumabas sya.

"Babe." napatingin ako sa kanya at ang sarap nya lang sapakin dahil tinataptap nya ang higaan at nakangiti pa sya.

"Tumigil ka nga. Kumain ka na dyan." umupo ako sa upuan nya rito. "Pero bago 'yan sabihin mo muna ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa." anong akala nya na nakalimutan ko na 'yon?

"Ah ayun ba? Magiging walang saysay ang librong ipu-publish ko kung sasabihin ko 'yon sayo ngayon." sabi nya habang kinukuha ang pagkain nya.

"Bakit naman?"

"Dahil nandoon ang lahat. Malalaman mo na rin naman 'yon sa loob ng dalawang linggo." napasimangot ako. Ang tagal pa.

Naalala ko ang pinabasa nya sakin na sobrang nakakabitin.

"Sino yung taong minahal mo agad sa unang kita mo palang sa kanya?" tanong ko sa kanya. Inubos nya muna yung nasa bibig nya.

"Bakit ko naman sasabihin?" nakangising sabi nya. Kumain na lang ulit sya.

Inirapan ko na lang sya at tumayo. "Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."

"Sinabi ko na sayo kanina. Ikaw ang kailangan ko." tinignan ko sya pero sya hindi nakatingin sakin dahil panay ang subo nya sa pagkain. PG talaga ang isang ito pero hindi naman tumataba.

"Ewan ko sayo." lumabas na ako ng kwarto dahil baka pigilan nya pa ako.

Pumunta ako sa kwarto nila Kevin para tignan sila. Masaya naman akong makitang naglalaro silang tatlo ng video games. Nakikisali sa kanila si Jessica kahit pang lalaki yung nilalaro nila. Hindi nila ako napansin kaya umalis na lang ako.

Tumungo ako sa kusina para kumain. At habang kumakain ay iniisip ko kung ano nangyari sa pamilya ko simula nung dumating si Acey. Babae sya ni Lorenzo na pinatira nya pa rito sa bahay. Ang walangyang 'yon ay pagkatapos patirahin ang babae nya ay bigla naman umalis ng isang buwan. Naiwan tuloy sa kanya na mag-isa si Kevin kaya kung hindi sunog ang pinapakain sa kanya, hilaw naman at kadalasan fast food ang pinapakain. Kawawa naman ang anak ko sa Acey na 'yon.

Ang nakakapagtataka sa kanya kung paano nya nalaman ang condo unit ko. Sinusundan ba ako non? ni wala nga ako pinagsasabihan tungkol doon pero sya ay nahanap nya. Maraming bagay rin ang nakita ko sa katauhan ni Acey, isa na roon na napakakulit nya. Hindi nya talaga ako tinantanan hangga't hindi kami umuuwi ni Kevin ng bahay. PG rin sya na hindi marunong magluto. Mayaman naman sya kaya bakit hindi sya bumili sa restaurant ng makakain nya at nagtya-tyaga sya sa noodles. Hindi ko alam kung may sayad sya sa utak o nagpapansin lang. Sabi ko naman makulit sya eh.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon